Cristy Fermin kay Maxene Magalona; "'Wag mo nang pahabain pa ang kwento"

Cristy Fermin kay Maxene Magalona; "'Wag mo nang pahabain pa ang kwento"

- Tila may payo si Cristy Fermin kay Maxene Magalona na naging usap-usapan kamakailan

- Ito ay matapos madawit umano ang pangalan ni Maxene sa napabalitang hiwalayan nina Angel Locsin at Neil Arce na wala umanong katotohanan

- Ani Cristy, sana'y nanahimik na lamang si Maxene na panay ang labas ng mga umano'y cryptic post

- Lalo na at patuloy na nanahimik umano ang panig nina Neil at Angel sa issue na ngayon nga'y unti-unti nang nagpaparamdam sa socmed

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga tinalakay kamakailan sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Wendel Alvarez at Romel Chika ay ang mga umano'y cryptic post ni Maxene Magalona kamakailan.

Cristy Fermin kay Maxene Magalona; "'Wag mo nang pahabain pa ang kwento"
Maxene Magalona (@maxenemagalona)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naibahagi umano ito ni Maxene sa kasagsagan ng issue 'di umano ng hiwalayang Angel Locsin at Neil Arce.

Read also

RR Enriquez, aminadong awang-awa sa kalagayan ngayon ni Vhong Navarro

Matatandaang, napansin ng marami ang pananahimik ni Angel sa social media bagay na napagdudahan ng publiko na baka may kaugnayan umano ito sa itinatakbo ng kanilang relasyon ng kanyang asawang si Neil.

At ang itinurong dahilan umano ay walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Neil na si Maxene na halos kakahiwalay lang sa mister nito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ani Cristy, dahil sa wala naman umanong katotohanan ang napabalitang ito, sana'y nanahimik na lamang si Maxene.

Dapat sa mga ganitong babae lalo na kung wala namang katotohanan yung mga kwento, manahimik lang," ani Cristy.

"Wag mo nang pahabain pa ang kwento tutal alam mo namang hindi totoo yan."

Tulad ng napansin ng marami, maaring kaya naglabas ng mga cryptic post si Maxene ay para siya umano'y mapag-usapan.

"Alam mo 'yung mga nababasa ko? Ito raw yung nakikitang pagkakataon ni Maxene na siya ay muling mapag-usapan. Ano bang maiisip mong paraan? wala naman."

Read also

Sharon Cuneta, pinayuhan ni Cristy Fermin; "Mag-iwan ng konti para sa kapribaduhan"

Kaya naman pinayuhan na rin ni Cristy ang aktres na sana'y huwag nang magbigay komento pa gayung nananahimik na rin naman sina Neil at Angel sa naturang issue.

"Kung ayaw niyong makaladkad ang inyong pangalan, wag na kayong makisakay. 'Wag na kayong makadagdag pa sa kwentong alam niyo namang walang katotohanan"

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa. Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel