Jennica Garcia, natuwa sa kanyang unang photo walk: "Sobrang healing"

Jennica Garcia, natuwa sa kanyang unang photo walk: "Sobrang healing"

- Ibinahagi ni Jennica Garcia ang kanyang kauna-unahang photo walk kung saan nakakilala umano siya ng iba't-ibang tao

- Mayroon umanong nakakakilala sa kanya at mayroon ding hindi alam na artista siya at natuwa siyang makausap ang mga ito

- Bukod daw kasi sa nakakakilala siya ng mga bagong kaibigan ay relax at chill umano silang kausap

- Humingi din ang aktres ng mga lugar na mairerekomenda ng netizens sa kanya para gawin niya uli ang pag-photo walk na inilarawan niyang bilang isang healing experience sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jennica Garcia ang isang maiksing video kung saan makikita siya habang may nagpapa-picture sa kanya. Ito umano ang kanyang kauna-unahang photo walk kung saan nakakilala umano siya ng iba't-ibang tao.

Jennica Garcia, natuwa sa kanyang unang photo walk: "Sobrang healing"
Jennica Garcia, natuwa sa kanyang unang photo walk: "Sobrang healing" (@jennicauytingco)
Source: Instagram

Masaya umano siyang makita ang mga taong nakakakilala sa kanya na ibang-iba kapag nakakasama niya sa mga autograph signing event o mall show.

Read also

Andrew Schimmer, masayang ipinakita ang pag-uwi ng kanyang misis mula sa ospital

Natuwa naman siyang makausap ang mga taong hindi siya nakikilala bilang isang artista dahil bukod daw kasi sa nakakakilala siya ng mga bagong kaibigan ay relax at chill umano silang kausap.

Humingi din ang aktres ng mga lugar na mairerekomenda ng netizens sa kanya para gwin niya uli ang pag-photo walk na inilarawan niyang bilang isang healing experience sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Kobe Paras, muling nag-post ng mga sweet pictures nila ni Erika Rae Poturnak

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel