Ion Perez, binahagi ang video ng kanyang pagbili ng pasalubong sa kanyang 'wifey'

Ion Perez, binahagi ang video ng kanyang pagbili ng pasalubong sa kanyang 'wifey'

- Binahagi ni Ion Perez sa kanyang YouTube channel ang video ng kanyang pamimili ng kanyang pasalubong para sa kanyang 'wifey' na si Vice Ganda

- Ito ay nung nagpunta siya sa Japan para sunduin ang kanyang ina para magkasama na silang umuwi sa Pilipinas

- Isa-isang pinili ni Ion ang mga bagay na sa tingin niya ay magugustuhan ni Vice na karamihan ay mula sa mga mamahaling brand

- Marami naman sa kanilang mga fans ang natuwa sa pagiging maalalahanin at sweet ni Ion kay Vice kahit hindi sila magkasama sa Japan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Ion Perez ang video ng kanyang pamimili ng kanyang pasulubong para kay Vice Ganda nang pumunta siya sa Japan kamakailan. Hindi niya man kasama si Vice sa kanyang biyahe ay hindi niya kinalimutang alalahanin ang kanyang partner.

Read also

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

Ion Perez, binahagi ang video ng kanyang pagbili ng pasalubong sa kanyang 'wifey'
Ion Perez, binahagi ang video ng kanyang pagbili ng pasalubong sa kanyang 'wifey' (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa kanyang pamimili ay tinitimbang niya kung magugustuhan ni Vice ang kanyang mga napili. Pawang mga shops ng mamahaling brands nagtungo si Ion.

Marami naman sa kanilang mga fans ang natuwa sa pagiging maalalahanin at sweet ni Ion kay Vice kahit hindi sila magkasama sa Japan.

Matatandaang sa kanyang naunang vlog ay naibahagi ni Ion na kaya siya pumunta doon ay para sunduin ang kanyang mama at sabay na silang umuwi sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Pambansang Kolokoy at Marites Mondina, hiwalay na matapos ang 20 taong pagsasama

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niyaumano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel