Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista

- Malaki ang pasasalamat ni Seth Fedelin sa kanyang ama na naging daan para siya'y makapasok sa showbiz

- Ito umano ang nagbigay sa kanya ng pocket money para makapag-audition sa Star Hunt ng ABS-CBN

- At wala namang pinagsisihan ang pamilya ni Seth ngayon lalo na at ang limang daang pera na tinitipid niya sa Star Hunt ay naging milyon na

- Marami na rin sa pangarap nila ng kanyang pamilya ang natupad na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Malaki ang pasasalamat ni Seth Fedelin sa kanyang ama na siyang nakapagkumbinsi sa kanya na subukang mag-audition upang mapasok sa showbiz.

Seth Fedelin, malaki ang pasasalamat sa ama na naging daan para siya'y maging artista
Seth Fedelin (@imsethfedelin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na binigyan lang siya ng ama ng pocket money na limang daang piso.

Nagtungo siya sa Star Hunt sa Araneta Coliseum upang subukan ang kanyang kapalaran.

Makalipas umano ang mahigit 24 oras, sulit naman ang kanyang pagtitiyaga sa audition gayung napansin siya ni Direk Lauren Dyogi.

Read also

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

At ngayong tuloy-tuloy na ang kanyang showbiz career, marami na rin sa kanilang pamilya ang natupad na niya ang pangarap para sa kanila.

"Yung limang daan mo pa, napalitan milyon. Magiging mayabang na ako rito... Pa, ilan na ang kotse natin? Tatlo. Nabilhan kita ng farm, nabilhan kita ng motor mo, dalawa," ani Seth patungkol sa mga dating pinapangarap lang ng kanyang ama na ngayo'y natupad na niya.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Seth mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Si Seth Fedelin ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala siya nang maging bahagi ng afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri. Binansagan silang 'Gold Squad.'

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Seth, nabanggit nito ang farm na nabili niya sa kanyang ama na labis na nakapagpapasaya rito.

Read also

74-anyos na Pinay sa New York, umano'y sinapak sa 'di malamang dahilan

Samantala, pinakaaabangan naman linggo-linggo ang mga itinatampok ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Inspires kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kilalang personalidad. Gayundin ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kung saan naman mapapanood ang mga latest chika tungkol sa mga artista sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel