Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats

- Aminado si Rica Peralejo na bilib siya sa malapit na kaibigang si Camille Prats

- Ito ay matapos niyang marinig ang kwento ni Camille tungkol sa pinagdaanan nito sa buhay at kung paanong nanatiling matatag sa kanyang pananalig sa Panginoon si Camille

- Sa kabila ng kanyang pinagdaanan ay naniniwala umano si Camille na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan

- Mintik nang maiyak si Rica habang kinukwento ni Camille ang kanyang matinding pinagdaanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bumilib si Rica Peralejo sa pagiging positibo ng pananaw ni Camille Prats sa kabila ng matinding pinagdaanan nito sa buhay. Sa kanyang bagong vlog ay nakausap niya si Camille at naibahagi nito ang tungkol sa kwento ng buhay niya.

Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats
Rica Peralejo, aminadong namangha sa katatagan ni Camille Prats (@ricaperalejo)
Source: Instagram

Aminado si Camille na hindi naging madali ang pinagdaanan niya lalo nang mamatay ang una niyang asawa.

Read also

Luis Manzano, todo puri si Herlene Budol; "Napaka-professional ng taong 'to"

Ani Camille, naging motivation niya ang anak niya na magpatuloy sa kanyang buhay. Tatlong taon pa lamang umano ang anak niya nang mamatay ang unang asawa niya. Gayunpaman, napunan ng kanyang mga kuya at kanyang ama ang pagkakaroon suporta mula sa isang ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagsimula si Rica Peralejo sa pag-aartista sa pamamagitan ng Ang TV. Naging bahagi din siya ng Gimik at Oka Tokat, Mula sa Puso, Marinella, Kay Tagal Kang Hinintay, Sineserye Presents: Palimos ng Pag-ibig, Sa Piling Mo at Pangarap na Bituin. Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya. Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng dalawang anak na lalaki.

Isa sa pinagpapasalamat umano ni Rica sa taong 2021 ay ang natanggap nilang bagong sasakyan lalo na at dumating umano ito sa panahong kailangan ng kanilang pamilya. Hindi na binanggit ni Rica kung kanino ito galing ngunit aniya ay ikukuwento niya ito sa susunod niyang mga vlog. Hindi naman maitago ng kanilang mga anak ang pagkakaroon nila ng bagong sasakyan lalo na ang kanilang panganay. Ani Rica, matagal na panahon din silang walang bagong sasakyan at akala umano nilang mag-asawa ay mabubulok na lang sa kanila ang sasakyan nila bago sila magkaroon ng bago.

Pinakita ni Rica ang ilang bahagi ng kanyang bahay matapos niya itong iparenovate. Kabilang sa kanyang pinakita ay ang kanilang garahe at ang kanyang gym room. Aniya, dalawang taon ding inabot bago niya tuluyang maipakita ang bahay na kanyang pinarenovate. Nakatakda pa umano niyang ibahagi ang ilan pang bahagi ng kanilang pinarenovate na bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel