Pokwang, aminadong nasasaktan sa sinasabi laban kay Lee O'Brian: "Masipag po yung tao"

Pokwang, aminadong nasasaktan sa sinasabi laban kay Lee O'Brian: "Masipag po yung tao"

- Emosyonal si Pokwang nang aminin niyang nasasaktan siya sa mga paratang ng tao sa kanyang ex-partner na si Lee O'Brian

- Mariin niyang pinabulaanan na pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at hindi din umano ito tamad kagaya sa mga lumabas na usap-usapan

- Nasasaktan umano siya sa paratang na palamunin lamang ang ama ng kanyang anak gayong masipag umano ito at isang mabuting ama

- Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nasasaktan umano si Pokwang sa paratang kay Lee O'Brian na ito umano ay palamunin lamang niya. Emosyonal na inilabas ni Pokwang ang kanyang saloobin sa panayam sa kanya ng GMA showbiz news reporter na si Nelson Canlas.

Pokwang, aminadong nasasaktan sa sinasabi laban kay Lee O'Brian: "Masipag po yung tao"
Pokwang, aminadong nasasaktan sa sinasabi laban kay Lee O'Brian: "Masipag po yung tao" (@itspokwang27)
Source: Instagram

Mariin niyang pinabulaanan na pera ang dahilan ng kanilang paghihiwalay at hindi din umano ito tamad kagaya sa mga lumabas na usap-usapan. Nasasaktan umano siya sa paratang na gayong masipag umano ito at isang mabuting ama.

Read also

Abogado ni Ruffa Gutierrez, sinabing black propaganda ang nilabas na isyu sa aktres

"Sana alam ng tao na yung hinuhusgahan niyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po yung tao.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel