Abogado ni Ruffa Gutierrez, sinabing black propaganda ang nilabas na isyu sa aktres

Abogado ni Ruffa Gutierrez, sinabing black propaganda ang nilabas na isyu sa aktres

- Ayon sa abogado ni Ruffa Gutierrez, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang

- Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksiyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya

- Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod

Naglabas ng pahayag ang kampo ni Ruffa Gutierrez kaugnay sa isyu ng dalawang kasambahay na umano'y pinalayas at hindi sinahuran. Ayon sa abogado ng aktres, black propaganda lamang ito.

Abogado ni Ruffa Gutierrez, sinabing black propaganda ang nilabas na isyu sa aktres
Abogado ni Ruffa Gutierrez, sinabing black propaganda ang nilabas na isyu sa aktres (@iloveruffag)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

May kaugnayan umano ito sa pagganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksiyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.

“Our client will explore all legal actions and remedies available, especially against those spreading unverified information/fake news.”

Matatandaang sa pamamagitan ng kanyang mga sagot sa tweet ni Cong. Rowena Guanzon ay nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Anabelle Rama, agaw-pansin ang kagandahan sa binahaging video

Sa isang episode ng "It's Showtime" kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel