Yeng Contantino, ibinahagi ang pag-camping nila ng mister
- Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Yeng Constantino ang camping adventure niya kasama ang mister
- Pumunta sila sa Montalban Rizal Campsite kasama ang dalawa nilang kaibigan
- Hindi naman malinaw kung kailan nag-camping ang mag-asawa ngunit ibinahagi ito ni Yeng sa kasagsagan ng viral na "closure" ng love story nila ni Ryan Bang
- Marami naman sa kanyang mga viewers ang natuwa na makitang masaya ang mag-asawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa paglabas ng rebelasyon nina Yeng Constantino at Ryan Bang kamakailan, marami sa mga netizens ang nanghinayang sa anila'y TOTGA ng dalawa. Mayroon din namang nagsasabing hindi ito maganda lalo at may asawa na si Yeng.
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Yeng Constantino ang camping adventure niya kasama ang mister. Pumunta sila sa Montalban Rizal Campsite kasama ang dalawa nilang kaibigan.
Marami naman sa kanyang mga viewers ang natuwa na makitang masaya ang mag-asawa:
Wala pa ako masuggest na campsite ate. Pero ganda dyan sa Montalban ateeee! Sobrang ganda ng view! Thanks for sharing! Kilig ako sa inyo ni Kuya Yan!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Wala akong alam na place sa Manila pero gusto ko lang sabihin yung YengYan talaga apaka sweet!Solid YENGYAN! Yung daliri ni ate, nangyari. Nako Camfing ba, naeexcite? Salamat sa pag share ate. Na miss nmin tawa nyo ni Kuya Yan.. Ganda best ka.. Iloveu. Walang B. A. B. A. Y Kay Yan
Havey yung joke ni Kuya Yan ng rocky road ah. HAHAHA Thank you ateee. Sobrang gandaaa ng view grabe!
Samantala, hindi naman malinaw kung kailan nag-camping ang mag-asawa ngunit ibinahagi ito ni Yeng sa kasagsagan ng viral na "closure" ng love story nila ni Ryan Bang.
Si Yeng Constantino ay isang mang-aawit na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang asawa.
Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib ni Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.
Source: KAMI.com.gh