Yeng, nilinaw na 'di "Chinito" kundi ang kanta niyang "B.a.b.a.y." ang para kay Ryan Bang

Yeng, nilinaw na 'di "Chinito" kundi ang kanta niyang "B.a.b.a.y." ang para kay Ryan Bang

- Nilinaw ni Yeng Constantino na ang kanta niyang "B.a.b.a.y." ang nagawa niya base sa sitwasyon nila noon ni Ryan Bang

- Matapos nilang maibahagi sa It's Showtime ang kanilang naudlot na ligawan, marami ang nagtanong kung si Ryan ba ang inspirasyon ng kantang "Chinito"

- Ani Yeng, kaibigan niyang lalake ang gumawa ng kantang "Chinita" dapat na kanyang nagustuhan kaya naisip niyang gawing para sa isang lalake

- Nagbigay pa ng sampol si Yeng ng kantang "B.a.b.a.y." na akma nga sa nangyari sa kanila noon ni Ryan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang hindi inaasahang rebelasyon nina Ryan Bang at Yeng Constantino sa naudlot nilang ligawan, mahigit sampung taon na ang nakalilipas, marami tuloy ang nag-akalang si Ryan ang hinandugan ni Yeng ng kantang 'Chinito.'

Nalaman ng KAMI na bago magsimula ang 'Tawag ng Tanghalan' ng 'It's Showtime', kinumusta ni Vice Ganda sina Yeng at Ryan na talagang nagtrending noong Enero 28.

Read also

Karen Davila, nagulat nang sumagot si Francine Diaz na "NBSB" raw siya

Yeng, nilinaw na 'di "Chinito" kundi ang kanta niyang "B.a.b.a.y." ang para kay Ryan Bang
Yeng Constantino (@yeng)
Source: Instagram

Doon niya naitanong ang katanungan din ng marami tungkol sa kantang 'Chinito' ni Yeng.

Subalit pagbibigay linaw ni Yeng, hindi ang kantang ito kundi ang isa pa niyang awit na may pamagat na "B.a.b.a.y." ang naibase niya sa naging sitwasyon nila noon ni Ryan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Yan na nga po ang pagkaklaro... Actually ang Chinito, sumulat po lalake... So 'Chinita' yan dati. Narinig ko, sabi ko ang ganda nung kanta, gusto kong kantahin," paglilinaw niya.

"Pero may isang song na medyo pinaghugutan talaga ng mga pinagdaanan namin. Alam niyo 'yung song ko na B.a.b.a.y.'?" pahayag ni Yeng bago siya nagbigay ng sampol ng nasabing kanta.

Narito ang kabuuan ng mgakaganapan sa naging 'closure' nina Ryan at Yeng mula sa 'It's Showtime:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Read also

Yeng Constantino, nagpasalamat kay Ryan Bang sa pagpaparamdam sa kanya na special siya

Isa sa mga naibahagi ni Yeng sa kanyang channel ay ang hirap na kanyang naranasan nang pumanaw ang kanyang ina. Nagkataong sympromatic pa siya noon sa COVID-19 kaya't inabot pa raw ng apat na araw bago niya tuluyan iniyakan ang hirap ng kalooban sa mga nangyayari sa kanya.

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib si Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel