Yeng Constantino sa nawalang wedding ring; "For the past 3 years, wala akong ring"

Yeng Constantino sa nawalang wedding ring; "For the past 3 years, wala akong ring"

- Ikinuwento ni Yeng Constantino na tatlong taon na siyang walang suot na wedding ring

- Sa kanyang birthday vlog kung saan ipinakita rin niya ang birthday celebration niya sa Dubai, ibinili rin siya ng bagong singsing ng kanyang mister

- Idinetalye niya kung paano nawala ang singsing sa ibang bansa at nasa eroplano na raw siya nang maisip niyang wala ito

- Hindi siya gaanong nag-aalala gayung may wedding tattoo naman silang mag-asawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Yeng Constantino kung paano nawala ang kanyang wedding ring sa ibang bansa, tatlong taon na umano ang nakararaan.

Sa kanyang birthday vlog, isa ito sa mga naikwento ni Yeng dahil ibinili siya ng bagong wedding ring ng kanyang mister na si Yan.

Yeng Constantino sa nawalang wedding ring; "For the past 3 years, wala akong ring"
Photo: Yeng Constantino
Source: Facebook

Nasa Dubai ang dalawa kung saan nagkaroon din ng birthday celebration si Yeng.

Read also

PBB ex-housemates Karen at TJ, todo hataw sa kanilang viral "ok-ok" video

Nang mahanap na nila ang store na bibilhan ng bagong wedding ring, doon nasbai ni Yeng na tatlong taon na siyang walang suot na wedding ring dahil sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nakalimutan ko sa banyo 'yung ring... Nung nasa eroplano lang yata saka ko na-realize na wala yung ring sa kamay ko"

Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil sa meron naman silang wedding tattoo ng kanyang mister.

Nagpasalamat din si Yeng sa store owner ng jewelry shop at binigyan pa sila umano nito ng discount.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanyang YouTube channel:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Read also

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Kamakailan, ibinahagi ni Yeng ang hirap na kanyang naranasan nang pumanaw ang kanyang ina. Nagkataong sympromatic pa siya noon sa COVID-19 kaya't inabot pa raw ng apat na araw bago niya tuluyan iniyakan ang hirap ng kalooban sa mga nangyayari sa kanya.

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib si Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel