Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"

- Talagang hindi na nakapagpigil si Atty. Sam Ferrer sa umano'y nagpanggap na nurse na nanloko sa dati niyang nobyo

- Sumbong ng lalaki, umabot sa Php600,000 ang nahiram na pera ng nobya na nagpakilala sa kanya na isang registered nurse

- Nang makapanayam na ito ng staff ng 'Raffy Tulfo in Action' at maging ni Atty. Ferrer, tila hindi na nagkakatugma-tugma ang mga sinasabi nito

- Nagawa rin nitong manloko dahil ang pakilala niya'y isa siyang rehistradong nurse at CEO pa ng kanya umanong negosyo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

'Sumabog' na ang abogadong si Atty. Sam Ferrer ng Raffy Tulfo in Action kay Marry Grace Etol na inireklamo ng kanyang dating nobyo na si Jay Cabanalan.

Nalaman ng KAMI na humingi na ng tulong si Jay sa programang 'Wanted sa Radyo' ni RAffy Tulfo dahil sa nabigay niyang pera kay Marry Grace noong sila ay magkasintahan pa.

Read also

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

Pumalo sa halagang Php600,000 ang mga nahinging pera ng dating nobya sa kanya.

Atty. Sam Ferrer ng RTIA, 'di nakapagpigil sa umano'y nagpanggap na nurse; "Nakakapikon!"
Atty. Sam Ferrer ng RTIA (Photo from Raffy Tulfo in Action)
Source: Facebook

Kwento pa ng lalaki na isa pa lang construction worker, inipon niya ang pera para sana sa pagpapakasal niya balang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pati na rin ang kanyang ina ay nahiraman na rin niya ng pera noong panahong wala na siyang maibigay kay Grace.

Nang kausapin na ni Atty. Sam si Grace, iba raw umano ang sinabi nito sa paunang panayam sa kanya ng staff ng RTIA.

Hindi rin ito makasagot ng maayos kung kailan niya maibabalik ang perang nahingi niya umano kay Jay.

At isa pang nakita nilang mali sa ginawa ng babae ay ang pagpapanggap niyang registered nurse kahit hindi naman totoo at CEO raw siya ng kanyang negosyo.

Dahil sa paiba-ibang sinasabi ni Grace na napapansin na ni Atty. Sam na tila pa-victim na ito sa mga nangyayari, lalong naging desidido ang abogado na sampahan na ito ng kaso.

Read also

Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA

Nagbigay ng petsang December 26 si Grace ngunit maging si Jay ay diskumpiyado na rin sa mga sinasabi ng dating nobya kaya sumang-ayon itong kasuhan na.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action:

Si Atty. Sam Ferrer ang isa sa mga humahalili kay Raffy Tulfo sa'Wanted sa Radyo' tuwing hapon.Programa ito ni Tulfo ay kung saan siya nabansagang "Hari ng public service" tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Kilala rin siyang sa pagiging isang YouTube Personality sa bansa kung saan may mahigit 22.1 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel