Yeng Constantino, symptomatic sa COVID-19 nang biglang pumanaw naman ang ina

Yeng Constantino, symptomatic sa COVID-19 nang biglang pumanaw naman ang ina

- Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Yeng Constantino ang kanyang pinagdaanan nang pumanaw ang ina

- Nagkataong nakikipaglaban pa siya noon sa COVID-19 dahil siya ay symptomatic

- Inabot pa raw ng apat na araw bago nag-sink in sa kanya na wala na ang kanyang nanay

- Binalikan din ni Yeng ang mga alaala niya sa ina at mga sakripisyong ginawa nito para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makalipas ang dalawang buwan, buong tapang na ikinuwento na ni Yeng Constantino ang mga pinagdaanan nila sa pagkamatay ng kanyang ina noong Setyembre.

Nalaman ng KAMI na ang pinakabago niyang vlog noong Nobyembre 26 ay ang pinakauna rin niyang video mula nang pumanaw ang ina.

Doon naikwento ni Yeng na sa araw na nawala ang kanyang mama, kasalukuyan siyang nakikipaglaban sa COVID-19.

Read also

Jerald Napoles, sa mga sakripisyo ng ina para sa kanya: "Nakita ko lahat 'yun"

Yeng Constantino, symptomatic sa COVID-19 nang biglang pumanaw naman ang ina
Yeng Constantino (Photo from Yeng Constantino's YouTube channel)
Source: Facebook

Symptomatic si Yeng habang ang mister naman niya ay asymptomatic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naranasan niyang lagnatin, mawalan ng panlasa at pang-amoy at panghihina na dahilan para matulog siya ng inaabot ng 16 oras sa isang araw.

Sumabay pa rito ang pighating dulot ng pagkamatay ng ina na inabot pa raw ng apat na araw bago niya tuluyang iyakan.

Ayon kay Yeng, matagal nang may kondisyon ang ina na pinaglalabanan nito subalit dala ng edad ay lalong nagkakaroon ng problema.

Makalipas ang dalawang buwan mula nang pumanaw ito noong Setyembre 23, ramdam pa rin ni Yeng ang sakit sa pagkawala ng kanyang mama na marami ang nagawang sakripisyo sa kanyang pamilya lalo na sa kanilang magkakapatid.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.

Read also

MC Muah, na-trauma tuwing nagdiriwang ng birthday: "Baka may mangyari na namang masama"

Isa si Yeng sa nagpakita ng kanyang matinding pagsuporta sa kaibigang si Angeline Quinto nang pumanaw ang ina nitong si Mama Bob. Hindi maiwasang bumilib si Yeng sa kaibigan sa pinamalas nitong katatagan.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica