Brenda at Madam Inutz, trending dahil sa komento nila kay Alexa Ilacad

Brenda at Madam Inutz, trending dahil sa komento nila kay Alexa Ilacad

- Sa isang livestream ng 'Pinoy Big Brother' ABS-CBN sa Kumu, usap-usapan ang mga nasabi nina Madam Inutz at Brenda Mage

- Ito ay patungkol sa kanilang mga housemates na nominado para sa eviction sa linggong ito

- Parehas sila ng opinyon pagdating sa housemate nilang si Alexa Ilacad na anila ay music at ganda lang ang ambag

- Inalmahan ng mga tagahanga at tagasuporta ni Alexa ang naging pahayag ng dalawa lalo at alam naman umano nila ang kondisyon ni Alexa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng samu't-saring reaksiyon ang naging pahayag nina Madam Inutz at Brenda Mage sa isang livestream ng Pinoy Big Brother ABS-CBN sa Kumu.

Brenda at Madam Inutz, trending dahil sa naging usapan nila sa PBB livestream
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook
"Ako tingin ko talaga jan, Karen or Alexa (ang mae-evict). Pero kung malakas ang supporters ni Alexa–"

Sinagot naman ito ni Brenda na magiging depende ito kung maganda ang aniya'y editing sa kanila.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

"Paano maganda ba editing kay TJ? E, ang ganda ng editing ni Alexa."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para kay Madam Inutz, wala naman umanong ibang nagawa si Alexa maliban sa music. Sinang-ayunan din ito ni Brenda.

Puro lang siya music, wala nga siya ambag dito. Tingnan mo sa grupo nila, iyakin kasi wala siyang nagagawa, zero lagi ambag niya. Kanina sa tingin mo may ambag ang lakas niya? Wala rin. Sa lahat ng task, wala siya ambag. 'Yun lang 'yung sa play, kanta lang, sirena siya. Walang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH, laging lampa. Sa lutuan naman, walang kwenta, panay pa tago ng tinapay tsaka itlog, panay lamon pa. Kapag kumakain, hindi nagpapaalam. 'Yun lang ambag niya love team love team, pero siya laging nase-save."

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapamanage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel