Heaven Peralejo sa relasyon nila ni Kimpoy Feliciano: "Hanggang best friends lang, ok?"

Heaven Peralejo sa relasyon nila ni Kimpoy Feliciano: "Hanggang best friends lang, ok?"

- Nagbigay na ng kanyang pahayag ni Heaven Peralejo tungkol sa totoong namamagitan sa kanila ni Kimpoy Feliciano

- Matapos ang mga larawan kung saan makikita silang magkasama ni Kimpoy, sumunod na napag-usapan ang birthday greeting sa kanya nito

- Nakiusap din si Heaven sa kanyang mga bashers na 'magpahinga' na rin ng pamumuna sa kanya

- Huwag na raw sanang gumawa ng issue kung wala naman daw dapat na maging issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na si Heaven Peralejo kaugnay sa inaakala ng marami na relasyon umano nila ni Kimpoy Feliciano.

Nalaman ng KAMI na binigyang linaw na ni Heaven na hanggang kaibigan lang talaga sila ni Kimpoy.

Heaven Peralejo sa relasyon nila ni Kimpoy Feliciano: "Hanggang Best friends lang ok?"
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Sa Bag-raid at exclusive tell all sa kanya ni Darla, isa sa mga napag-usapan nila ang tungkol kay Kimpoy.

Ito ay matapos na kumalat ng mga larawan nilang magkasama na sinundan naman ng sweet birthday greeting ni Kimpoy sa kanya.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang, sinagot naman ito ni Heaven sa comment section ng "Love u forever beh!" na lalong nakapagbigay pansin sa mga netizens.

Paliwanag ni Heaven, ang tawag na 'Beh' nakadalasang tawag din ng mga magkakaibigan ay siyang tawag niya kay Kimpoy.

"'Di ba pag kunwari friend mo lang 'uy beh! ganon," paliwanag ni Heaven.
"Gano'n lang talaga guys as in kami ni Kimpoy we're very best friends"

Muli niyang binigyang diin na single siya ngayon at "not ready to mingle".

"Yung kay Kimpoy, masaya lang ako na nagkaroon ako ng kaibigan sa showbiz. 'Yun yung thankful kami sa isa't isa"
"So 'yung pagmamahalan namin ni Kimpoy ay hanggang best friends lang, okay?"

"Masanay na kayong may kaibigan akong lalake," dagdag pa ni Heaven.

Dahil dito, nakiusap na rin siya sa kanyang mga bashers na tigilan at 'mamahinga' na muna sa pagpuna sa lalo na sa kanyang love life.

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

"Magpahinga rin kayo, okay? Magpahinga kayo sa kaka-bash sa akin."
"Huwag tayong mag-assume at gumawa ng issue na wala naman talagang issue."

Narito ang kabuuan ng panayam kay Heaven na mapapanood sa YouTube channel ni Darla:

Si Heaven Peralejo naman ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati.

Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel subalit Natapos din ang kanilang relasyon matapos nilang aminin ang kanilang ugnayan noong 2019.

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Kamakailan, kinumpirma rin ni Heaven na hiwalay na sila ni Kiko Estrada. Kahit single si Heaven ngayon 'not ready to mingle' naman daw siya.

Samantala, si Kimpoy Feliciano ay isang Filipino vlogger at musician. He also gained popularity on Tumblr.com. At present, he has more than one million subscribers on YouTube.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel