Kimpoy Feliciano sa larawang kasama si Heaven Peralejo: "Magkaibigan kami ni Heaven"

Kimpoy Feliciano sa larawang kasama si Heaven Peralejo: "Magkaibigan kami ni Heaven"

- Agad na naging usap-usapan ang larawan ng vlogger na si Kimpoy Feliciano kasama ang aktres na si Heaven Peralejo

- Hindi naiwasang magbigay komento ng ilang netizens patungkol sa nadadalas umanong pagsasama ng dalawa

- Nagpaliwanag naman si Kimpoy na magkaibigan umano sila ni Heaven at mas mainam na kilalanin muna ang tao bago husgahan ito base sa nakikita lamang sa internet

- Makikita ring hindi lamang sina Kimpoy at Heaven ang magkasama sa naturang bakasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-viral ang larawan nina Kimpoy Feliciano at Heaven Peralejo na magkasama sa isang bakasyon.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ito ni Kimpoy sa kanyang socmed ngayong Nobyembre 8 at mabilis na napansin ng netizens ang larawan nina Kimpoy at Heaven.

Kimpoy Feliciano sa mga larawang kasama si Heaven Peralejo: "Magkaibigan kami ni Heaven"
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Bagama't mapapansin ding hindi lamang sila ang magkasama sa naturang lakad, hindi pa rin nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens ang kanilang larawan.

Read also

Miss Glamour 2021 sa Mexico, 'di na tuloy; Pambato ng Pilipinas nais nang makauwi

Dahil dito, agad namang naglabas ng pahayag ni Kimpoy at sinabing magkaibigan sila ni Heaven.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Para sa mga rude sa comment section, Magkaibigan kami ni Heaven. If you're judging the person based on the things you only know from the internet, that's on you. Sana kilalanin niyo muna yung tao on a personal level before kayo manghusga," ani Kimpoy sa comment section ng mismong larawan nila ni Heaven.

Si Kimpoy Feliciano ay isang Filipino vlogger at musician. He also gained popularity on Tumblr.com. At present, he has more than one million subscribers on YouTube.

Samantala, si Heaven Peralejo naman ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati.

Read also

Maui Taylor sa nakasamang aktres na umano'y may attitude: "Winarla ko talaga siya"

Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Nauna nang pinabulaanan ni Heaven na siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at ex-girlfriend nitong si Devon Seron.

Kamakailan, kinumpirma rin ni Heaven na hiwalay na sila ni Kiko Estrada. Kahit single si Heaven ngayon 'not ready to mingle' naman daw siya.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel