Bugoy Cariño, limang oras na hindi pinapasok sa kwarto matapos niyang i-prank si EJ

Bugoy Cariño, limang oras na hindi pinapasok sa kwarto matapos niyang i-prank si EJ

- Isang revenge prank ang inihanda ni Bugoy Cariño para sa kanyang partner na si EJ Laure

- Nilagyan niya ng bra ang likod ng kanyang kotse na aniya ay binili niya lang sa ukay-ukay

- Hindi naman naitago ni EJ ang pagkairita matapos makita iyon kahit sinabi ni Bugoy na prank lamang iyon

- Sinara niya ang pinto ng kanilang silid at hindi niya pinapasok si Bugoy dahil aniya ay ayaw niya ng ganoong prank

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Limang oras na naghintay si Bugoy Cariño sa labas ng kanilang silid matapos mapikon ng kanyang partner na si EJ Laure sa kanyang prank. Pambawi niya umano iyon sa prank sa kanya ni EJ kamakailan.

Bugoy Cariño, limang oras na hindi pinapasok sa kwarto matapos niyang i-prank si EJ
Photo from iambugoycarino03/Instagram
Source: Instagram

Sa kanyang inihandang revenge prank, nilagyan ni Bugoy ng bra ang likod ng kanyang kotse na aniya ay binili niya lang sa ukay-ukay.

Read also

Post ni AJ Raval kasunod ng pahayag ni Barbie Imperial, viral na

Hindi naman naitago ni EJ ang pagkairita matapos makita iyon kahit sinabi ni Bugoy na prank lamang iyon. Sinara niya ang pinto ng kanilang silid at hindi niya pinapasok si Bugoy dahil aniya ay ayaw niya ng ganoong prank.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng ilan sa kanilang mga viewers:

Ayan na Prank gone wrong pareng Bugoy... heheehe...apaka cute pala mag selos ni lods Ej....ingat kayo palagi pareng Bugoy.
Ang gwapo mo pa rin bugoy hanggang ngayon bata ka pa umiyak ako dun sa MMK mo na palabas yung sa bahay na bato kayo naka tira magkapatid naiyak ako dun hanggang sa mag showtime ka, nalungkot ako noong di na kita makita sa showtime sana bumalik ka na sa showbiz
Hahaha wala pa man malakas mang asar c baby! Ang cute!

Read also

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang nagsalita din si EJ tungkol sa lumabas na balita tungkol sa umano'y pagbubuntis niya.

Hindi naman itinago nina Bugoy at EJ ang kanilang relasyon sa publiko sa kabila ng agwat ng kanilang edad. Sa katunayan, nag-viral ang isang video ng magkasintahan kung saan kinakantahan ni Bugoy si EJ.

Marami naman ang nagulat nang isapubliko nina Bugoy at Ej ang tungkol sa kanilang anak na si Scarlet.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel