Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

- Sa panayam ni Boy Abunda kay Barbie Imperial, sinagot nito ang tungkol sa pagkakaugnay kay AJ Raval sa boyfriend niyang si Diego Loyzaga

- Ayon sa kanya, kung ayaw sana niyang maiugnay kay Diego ay dapat nagsalita na siya para pabulaanan ang isyu

- Nasabi niya rin na dati ay kaibigan niya si AJ dahil boyfriend nito ang bestfriend niyang si Axel Torres

- May pruweba umano siyang si AJ ang nagbibigay ng impormasyon kay Xian Gaza kaugnay sa nilalabas niyang mga isyu sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinagot ni Barbie Imperial ang tungkol sa isyu ng pagkakaugnay kay AJ Raval sa boyfriend niyang si Diego Loyzaga sa panayam ni Boy Abunda sa kanya. Aniya, dapat ay nagsalita na si AJ para linawin ang isyu kung ayaw niyang nadadawit siya bilang third party.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval
Photo from Diego Loyzaga (@diegoloyzaga)
Source: Instagram

May proof din umano siyang si AJ ang nagbibigay ng impormasyon kay Xian Gaza dahil nag-uusap umano sila at magkaibigan.

Nakwento niya rin na kaibigan niya noon si AJ at tinanggap nila sa grupo nila dahil girlfriend umano ito ng kanyang boyfriend na si Axel Torres.

Binaggit din ni Barbie na kahit gustuhin man ni AJ ay hindi siya gusto ng boyfriend niyang si Diego. Matatandaang naging mainit ang usap-usapan nang tanungin ni Xian si Diego kung bakit umano ito pumupunta sa bahay nila AJ sa Pampmanga habang naghihintay sa Maynila ang girlfriend nitong si Barbie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nilinaw ni Barbie sa naturang panayam na pawang mga kuha sa shooting ng pelikula ang mga video na inilabas ni Xian sa social media. Aniya, kilala niya ang boyfriend niya at alam niyang mararamdaman niya umano kapag niloloko siya nito.

Read also

Lolit Solis, puring-puri ang acting ni Paolo Contis sa bago nitong serye

Nauna na rin niyang nilinaw na walang katotohanan na nagkapisikalan sila ni Diego sa isang resort matapos nilang mag-away.

Nakilala si Barbie Imperial matapos niyang sumali sa Pinoy Big Brother: 737 kung saan nakilala siya bilang "The Doll along the Riles of Albay." Pinsan siya nina Michelle at Marco Gumabao.

Kamakailan ay inamin ni Barbie ang tungkol sa naranasang panloloko mula sa isang karelasyon apat na taon na ang nakalipas. Matatandaang isa si JM de Guzman sa naiugnay sa kanya matapos nilang magkasama sa teleseryang Araw Gabi.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel