Lolit Solis, puring-puri ang acting ni Paolo Contis sa bago nitong serye

Lolit Solis, puring-puri ang acting ni Paolo Contis sa bago nitong serye

- Sa kabila ng naging kontrobersiyal na pahayag niya kay Paolo Contis, pinuri ni Lolit Solis ang husay ni Paolo bilang isang artista

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Aniya, maging sa larangan ng pagpapatawa ay mahusay din ito lalo na sa pagiging bahagi niya ng Bubble Gang

- Dagdag pa niya ay sana malampasan ng aktor ang kahit ano pang storm ang dumating sa kanya

- Matatandaang nakapagbitiw ng tila pang-aasar si Lolit laban kay Paolo kaugnay sa naging paliwanag ng aktor kaugnay sa pagpunta nila ni Yen Santos sa Baguio

Sa kanyang post sa Instagram, puring-puri ni Lolit Solis si Paolo Contis sa husay nito sa pagbitiw ng kanyang linya at sa acting nito sa bago niyang seryeng I Left my Heart in Sorsogon. Mahusay din umano ito pagdating sa pagpapatawa.

Read also

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

Lolit Solis, puring-puri ang acting ni Paolo Contis sa bago nitong serye
Paolo Contis (@paolo_contis)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aniya, ang dedikasyon nito sa kanyan trabaho ay isa sa kahanga-hanga sa aktor sa kabila ng mga pinagdadaanan nito sa personal niyang buhay.

Ang galing galing talaga ni Paolo Contis sa I Left My ❤️ in Sorsogon, Salve. Ang husay ng delivery niya ng dialogue at ang galing ng subdued acting niya. Mahusay din siya sa Bubble Gang bilang komedyante. Talagang isa siyang artista na madali makuha ang timpla ng trabaho niya. Isang bagay ang hahangaan mo kay Paolo Contis iyon dedication niya sa trabaho, professionalism niya at hindi siya nasa side track ng mga bumpy things sa buhay na nadaraanan niya. Kaya naman meron siyang tatak sa bawat trabaho niya. Batang showbiz siya na dito na lumaki sa industriya kaya naman halos lahat mahal at kilala siya. S

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Pinayuhan din ni Lolit si Paolo kaugnay sa pakikipagrelasyon.

Sige Paolo Contis, basta Friends lang, huwag ka na seryoso para wala na sakit ulo, trabaho na lang. Basta iyan love, darating din, sa tamang panahon. Wait ka lang. Hah hah , huwag ka nang magalit sa amin ni Salve, si Gorgy ang dahilan hah hah hah, joke joke.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Sa pinakahuling panayam kay LJ Reyes ni Boy Abunda,nabanggit nito na hindi pa rin nagpaparamdam si Paolo sa kanilang mag-iina mula nang pumunta sila sa Amerika nang magkahiwalay sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel