Post ni AJ Raval kasunod ng pahayag ni Barbie Imperial, viral na

Post ni AJ Raval kasunod ng pahayag ni Barbie Imperial, viral na

- Kasunod ng maanghang na mga salitang binitawan ni Barbie Imperial tungkol sa pag-uugnay kay AJ Raval kay Diego Loyzaga, agad na nag-viral ang post ni AJ Raval sa Facebook

- Wala itong binaggit na pangalan ngunit ang meme na kanyang ibinahagi ay patungkol sa babaeng nagsasabing layuan ang kanyang boyfriend

- Kalakip sa meme na ito ay ang picture ng isang nilalang na aniya ay ang itsura ng lalaki

- Sa nasabing panayam, diretsahang sinabi ni Barbie na hindi gusto ni Diego Loyzaga si AJ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang diretsahang sagot si AJ Raval sa naging pahayag ni Barbie Imperial kung saan diretsahang binanggit ng aktres ang pangalan niya dahil sa pagkakaugnay kay AJ sa boyfriend niyang si Diego Loyzaga. Gayunpaman, ang meme na binahagi ni AJ sa Facebook ay agad na umani ng reaksiyon mula sa mga netizens.

Read also

Barbie Imperial, sinabing kaibigan niya noon si AJ Raval

Post ni AJ Raval kasunod ng pahayag ni Barbie Imperial, viral na
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Sa kanyang pahayag sa panayam ni Boy Abunda sa kanya, kinuwestiyon ni Barbie ang pananahimik ni AJ sa pag-uugnay sa kanila ni Diego. Ani Barbie, dapat ay nagsalita siya kung ayaw niyang madawit sa isyu.

Binaggit din ni Barbie na kahit gustuhin man ni AJ ay hindi siya gusto ng boyfriend niyang si Diego. Matatandaang naging mainit ang usap-usapan nang tanungin ni Xian si Diego kung bakit umano ito pumupunta sa bahay nila AJ sa Pampanga habang naghihintay sa Maynila ang girlfriend nitong si Barbie.

Ang meme na binahagi ni AJ ay patungkol sa babaeng nagsasabing layuan ang kanyang boyfriend. Kalakip sa meme na ito ay ang picture ng isang nilalang na aniya ay ang itsura ng lalaki.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umani kaagad ng libo-libong mga reacts at comments ang post na ito ni AJ sa kanyang Facebook page.

Read also

Liezl Sicangco, naiyak sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla

Ang aktres na si AJ Raval ay anak ng dating matinee idol na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang nakilala si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" ni Direk Darryl Yap.

Kamakailan ay pinakita ni AJ Raval ang kanyang silid sa pamamagitan ng isang virtual tour na umani ng mahigit isang milyong views.

Hindi naman nagustuhan ng ama ni AJ ang kanyang daring na picture na kanyang ibinahagi sa Instagram.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel