Liezl Sicangco, naiyak sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla

Liezl Sicangco, naiyak sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla

- Marami ang natuwa sa pagiging malapit ng mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla na makikita sa kanilang pag-uusap

- Sa kanyang YouTube channel ay binahagi ni Kylie ang video nilang mag-ama kung saan nag-usap sila tungkol sa mga bagay-bagay

- Sa kanyang post sa Instagram ay nag-iwan ng kanyang komento ang ina niyang si Liezl Sicangco

- Aniya, natawa at naiyak siya sa video ng mag-amang Robin at Kylie

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa ina ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco, natawa siya at naiyak sa video ng mag-amang Robin Padilla at Kylie Padilla. Ang tinutukoy niyang video ay ang pag-uusap ng mag-ama na ibinahagi ni Kylie sa kanyang YouTube channel.

Leizl Sicangco, naiyak sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Ang video niyang pinamagatang, "The conversation I never had with my Papa," ay umani ng mahigit pitong daang libong views matapos itong ibahagi ni Kylie nito lamang November 27.

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Dito ay napag-usapan nila ang ilang mga bagay kagaya na lamang ng kanilang relasyon bilang mag-ama at kung paano siya pinalaki at itinuring na parang lalaki ng ama. Dalaga pa lamang siya ay tinuruan na siya ng ama ng martial arts. Sinama din siya nito sa kanyang mga hiking.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para naman kay Kylie, nais lamang niyang mapasaya lagi ang ama niya kaya lahat ng gustong pagawa sa kanya ng ama ay ginagawa niya.

Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagiging maayos ng turingan nila ni Aljur Abrenica para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Leizl Sicangco, naiyak sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla
Screenshot from Kylie Padilla's Instagram post (kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

Herlene Budol, emosyonal nang ibigay sa ama ang pangarap nitong motor

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel