Toni Fowler, emosyonal dahil matagal din siyang naging single mom

Toni Fowler, emosyonal dahil matagal din siyang naging single mom

- Sa kanyang binahaging video, aminado si Toni Fowler na halo-halo ang kanyang nararamdamang emosyon

- Hindi niya napigilang maging emosyonal nang maalalang matagal niyang naging intro ang pagpapakilala niyang isa siyang single mom

- Masaya umano siya na sa wakas ay may katuwang na siya sa pagpapalaki kay Tyronia kahit alam niyang kaya niya naman kahit mag-isa siya

- Aniya, mabuti na lang at hindi sila nagmadali ni Vince sa kanilang desisyon lalo at hindi naging maganda ang kanyang karanasan sa nauna niyang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pagsagot niya kay Vince Flores, aminado si Toni Fowler na halo-halo ang kanyang nararamdamang emosyon. Naiyak pa ito nang magbalik-tanaw sa mahigit isang taon na isa siyang single mom.

Toni Fowler, emosyonal dahil matagal din siyang naging single mom
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Aniya, matagal din niyang naging intro ang "This is Mommy Oni, your single mom." Gayunpaman, masaya umano siya na may kasama na siya sa pagpapalaki kay Tyronia kahit alam niyang kaya niya naman palakihin ang anak niya kahit mag-isa siya.

Read also

‘Bawal Judgmental’ guest na 'di matinag ang pagkikwento, kinagiliwan ng mga EB hosts

Maging ang kanilang mga pamilya ay boto umano sa kanilang relasyon kaya masayang-masaya siya. Aniya, mabuti na lang at hindi sila nagmadali ni Vince sa kanilang desisyon lalo at hindi naging maganda ang kanyang karanasan sa nauna niyang relasyon.

Masaya umano siya dahil hindi niya inasahan ang sorpresang iyon ni Vince. Aminado siyang ma-mimiss niya din ang dati niyang intro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa pinanghihinayangan daw niya ay hindi siya nakakapagkuko nang suotan siya ng singsing dahil kinailangan niyang paiksiin ang kuko dahil mag-aalaga siya kay Vince matapos ang operasyon nito.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Rob Moya, napa-tweet ng heart emoji kasunod ng balitang sinagot na ni Toni Fowler si Vince Flores

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel