Vice Ganda, napa-chika tungkol sa umano'y kakilala niyang naging troll

Vice Ganda, napa-chika tungkol sa umano'y kakilala niyang naging troll

- Sa isang bahagi ng It's Showtime, naikwento ni Vice Ganda ang tungkol sa umano'y kakilala niyang alam niyang mabait naman

- Gayunpaman, kapag tiningnan umano ang social media nito ay pawang pang-babash ang ginagawa nito

- Ayon pa kay Vice, ito ang naging epekto sa kanya ng kahirapan kaya aniya sa kanilang mga kasamahan ay huwag na lang umanong pansinin ito

- Kwento pa ni Vice, noon ay humihingi pa ito ng pera sa kasamahan nila pero umabot na umano ito ngayon sa pagiging troll

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda sa kanyang nakwento tungkol sa kanyang kakilala na aniya ay naging troll dahil sa kahirapan. Aniya, mabait naman ito ngunit kung titingnan umano ang social media posts nito ay nangba-bash umano ito.

Vice Ganda, napa-chika tungkol sa umano'y kakilala niyang naging troll
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Isang kalahok sa beauty contest sa It's Showtime, naitanong sa kanya kung naniniwala ba ito na kapag basher sa social media ay toxic din sa totoong buhay.

Ayon kay Vice Ganda, noon pa man ay nanghihingi na ng pera sa kanilang mga kasamahan ang kakilala niyang ito. Pakiwari niya ay nahingian niya na lahat kaya umabot na umano ito sa pagiging troll.

Trabaho daw nito ang pagiging troll. Kumapit siya sa ganoong trabaho dahil wala na umano siyang pera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naaawa din daw si Vice sa kakilala niyang ito. Aniya nakakalungkot na dahil sa kahirapan ay nagawa ito ng kakilala niyang hindi na niya pinangalanan.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel