Caffey Namindang, lalong dumami ang followers sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan

Caffey Namindang, lalong dumami ang followers sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan

- Matapos pumutok ang kontrobersiyal na isyu kaugnay sa pagpapa-trademark ni Christian Merck Grey sa pangalang Makaganda, bumuhos ang suporta kay Caffey Namindang

- Maging ang kanyang YouTube channel ay umabot na sa 400,000 ang bilang ng subscribers

- Pinagpasalamat naman ito ni Caffey at para maipakita ang kanyang pasasalamat ay mamimigay siya ng biyaya sa kanyang mga subscribers

- Binura na rin ng asawa ni Merck na si Pam Esguerra ang kanyang kontrobersiyal na post na umani ng samu't-saring reaksiyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Caffey Namindang na umabot na sa 400,000 ang bilang ng kanyang YouTube subscribers kasunod ng kontrobersiyang kinasangkutan niya kamakailan. Ito ay tungkol sa pagpapa-trademark ng kanyang ex-boyfriend na si Christian Merck Grey ng pangalang Makaganda sa kanyang misis na si Pam Esguerra.

Caffey Namindang, lalong dumami ang followers sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan
Caffey Namindang (@heavenffey)
Source: Instagram

Pinagpasalamat naman ito ni Caffey at para maipakita ang kanyang pasasalamat ay mamimigay siya ng biyaya sa kanyang mga subscribers.

Read also

Barbie Hsu at mister na businessman, tuluyan nang naghiwalay

Happy 400k subscribers mga makaganda grabe ang bilis nyo! Salamat sa lahat ng suporta at naniniwala at nag mamahal saken mahal ko kayo tuloy tuloy napo tayo para mas makilala nyo papo ang tunay at nag iisa. At dahil 400k subscribers na tayo mamimili ako ng apat na mananalo NG 5000 gcash kada vlog ko para makabawi naman ako sa pag mamahal na pinaparamdam nyo saken.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, binura na rin ng asawa ni Merck na si Pam Esguerra ang kanyang kontrobersiyal na post na umani ng samu't-saring reaksiyon. Matatandaang sinabi niya sa kanyang post na kakasuhan nila ang taong gagamit sa pangalang "Makaganda" dahil naka-trademark na umano iyon sa kanya.

Si Caffey Namindang ay unang sumikat sa social media sa bansag na Makaganda, ang girlfriend ng vlogger na si Makagwapo o si Christian Merck Grey. Naging kontrobersiyal ang tambalang Makaganda at Makagwapo matapos humingi ng tulong si Makaganda kay Raffy Tulfo hinggil sa umano'y hindi magandang pakikitungo sa kanya ng kanyang boyfriend.

Read also

Jennica Garcia, binura ang mga pictures sa IG matapos makatanggap ng message mula sa ama

Naging isyu ang tungkol sa kita ng kanilang YouTube channel at ang umano'y panggagamit ni Merck sa kanya para sa content nila.

Matapos ang kanilang masalimuot na paghihiwalay nakahanap naman ng bagong pag-ibig si Merck sa katauhan ni Pam Esguerra.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel