Nasaan ang habag? Ama, nairita sa baby, inalog nang todo kaya dumugo ang utak

Nasaan ang habag? Ama, nairita sa baby, inalog nang todo kaya dumugo ang utak

- Isang baby ang dumugo ang utak dahil sa sobrang pag-alog ng kanyang ama

- Wala ang nanay sa bahay dahil nagtatrabaho kung kaya't naiwan ang ama na siyang nagbabantay sa baby

- Dahil sa nahirapan sa pagbantay, inalog niya nang todo ang bata kaya ito'y nagresulta sa di kanais-nais na pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang ama ang inaresto ng mga pulis dahil sa pang-aabuso na ginawa niya sa sariling baby.

Nalaman ng KAMI na si Xavier ay tatlong buwang sanggol na ipinanganak ng ina na premature.

Ang nanay, si Angie Setlak, ay nagkaroon ng stress nang siya'y buntis dahil sa pagiging hindi tapat ng asawa niya.

Nang mailuwal na si Xavier ni Angie, kinailangan pa niyang mag-istay sa NICU, at sa kabutihang palad, naging maayos ang kondisyon ng bata.

Yun nga lang nang ito'y tatlong buwan na, kinailangan ni Angie magtrabaho kaya naiwan si Xavier sa tatay niya.

Galit ng ama

Isang araw, laking takot ng nanay nang makatanggap ng text sa ama ni Xavier na hirap siyang magbantay sa baby.

Nagtext din siya na mapapatay na raw niya ang sanggol.

Ang sumunod na text ang gumuho sa mundo niya dahil sinbi ng ama na tumigil na sa paghinga si Xavier kaya dadalhin ito ng ama sa ospital.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pag-alog nang marahas

Dito na nalaman ni Angie na dahil daw sa sobrang lakas ng pag-alog ng ama sa sanggol kung kaya't dumugo ang utak nito. Ito ang tinatawag na shaken baby syndrome.

Nailagay si Xavier sa medically-induced coma, at pagkatapos ng 17 araw sa ospital, nakarecover si Xavier at nakauwi na siya.

Ang ama niya ay inaresto dahil sa pang-aabuso sa sanggol. Nawa'y maging aral ang nangyari kay Xavier sa lahat ng magulang at mga nagbabantay na iwasan ang pag-alog sa baby.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Answer Funny Tricky Questions Tagalog: Who Is Neil Armstrong? | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Video ng pagsanib ng 16-anyos na ginahasa umano sa 1 bata, viral

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel