Ang gaganda ng ex ni Echo! Throwback pictures nina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz, ibinida ng kanilang fans

Ang gaganda ng ex ni Echo! Throwback pictures nina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz, ibinida ng kanilang fans

- Dating nagkatrabaho sina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz sa isang teleserye sa kapamilya network

- 11 na taon na ang nakalipas mula nang magkasama sila sa teleseryeng Prinsesa ng Banyera

- Parehas din silang naging karelasyon ni Jericho Rosales

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging magkatrabaho sa isang teleserye sina Kristine Hermosa at Angelika dela Cruz labing isang taon na ang nakalipas.

Sila ay parehas na naging parte ng seryeng Prinsesa ng Banyera, na ipinalabas noong October 2007.

Isang fan Instagram account ni Angelika ang muling nag post ng behind-the-scenes na mga pictures ng kanilang idol kasama si Kristine habang ginagawa ang nasabing teleserye.

Narito ang ilan sa mga throwback pictures ng dalawa na ibinahagi sa Instagram.

Meron din silang picture kasama ang kanilang leading men na sina TJ Trinidad and Rafael Rosell at ang komedyanteng si Chokoleit.

Ang seryeng Prinsesa ng Banyera ay kwento tungkol sa magkakambal Maningning (Kristine) at Mayumi (Angelika) na nakatira sa fish port.

Nagkahiwalay sila nang maliliit pa dahil umalis si Mayumi at napunta sa isang mayamang pamilya.

Naging magkatrabaho din sila Angelika at Kristine sa seryeng Sana'y Wala Nang Wakas noong 2003.

Parehas din silang naging karelasyon ni Jericho Rosales na naging leading man nila sa Sana'y Wala Nang Wakas.

Ang Prinsesa ng Banyera ang huling teleserye ni ANgelika sa ABS-CBN.

Lumipat siya sa Kapuso station noong Desyembre ng taong 2007 kaya namatay ang kanyang character sa nasabing palabas.

Parehas nang ikinasal at meron na ring mga anak sina Angelika at Kristine.

Sa kaslukuyan parehas din silang nagbalik telebisyon matapos mamahinga sa showbiz pansamantala upang mabigyan ng oras ang kani-kanilang pamilya.

Naging bahagi ng kakatapos lang na seryeng Ika-6 Na Utos ng GMA si Angelika at bahagi naman ng fantaseryeng Bagani si Kristine Hermosa.

7 Best Acupressure Points for Weight Loss - on Kami YouTube channel

Trying to lose weight? Control your appetite with these Acupressure weight loss techniques!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral

Video ng pananakit ni Vhong Navarro kay Vice Ganda backstage, nag-viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel