Delivery rider na lumusong ng hanggang tuhod na baha para maihatid ang order, hinangaan

Delivery rider na lumusong ng hanggang tuhod na baha para maihatid ang order, hinangaan

- Viral ngayon ang post tungkol sa isang delivery rider na lumusong ng hanggang tuhod na baha

- Hinangaan ang delivery rider na ito na hindi nagpapigil sa ulan lalo na sa baha maihatid lang ang order sa kanya

- Wala man siyang payong o anumang proteksyon sa sarili, maingat pa rin niyang hawak ang mga ide-deliver na produkto

- Maging ang ibang mga naging customer ng rider ay namukhaan siya at sinabi ang dedikasyon ng rider sa kanyang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri ang isang delivery rider na talagang lumusong sa baha maihatid lamang ang order ng kanyang customer.

Ibinahagi ng netizen na si Christine Hannah Manuel ang larawan ng delivery rider mula sa Lazada na hindi alintana ang ulan gayundin ang hanggang tuhod na tubig baha.

Mapapansin din na bagama't wala siyang payong o anumang proteksyon sa sarili sa matindin ulan, labis pa rin niyang pinag-iingatan ang mga produkto na kanyang ihahatid.

Read also

Naaksidenteng delivery rider, dinagsa ng tulong matapos mag-viral ang post ng customer

Delivery rider na lumusong ng hanggang tuhod na baha para maihatid ang order, hinangaan
Photo: Lazada rider (from Christine Hannah Manuel)
Source: Facebook
"Sobrang nakaka-bilib ka kuya rider ng Lazada shout out sayo. Umulan, umaraw tuloy pa din ang paghatid mo ng mga ide-deliver mo"

Dahil dito maging ang ibang mga naging customer ng rider ay ibinahagi ang dedikasyon sa trabaho ng delivery rider.

"Nagde- deliver din yan sa amin. Masipag talaga si Kuya!"
Maging ang mga netizens ay bumilib sa kasipagan ng rider kahit na delikado na ito para sa kanyang kalusugan.
"Ganyan dapat sa trabaho. Mahalin ang trabaho 'di tulad ng iba, daming reklamo"
"Saludo po kami sa'yo kuya kaya lang mag-ingat din po kayo kasi delikado naman na kayo ay magkasakit"
"Ingat po kayo kuya, maintindihan naman po siguro ni customer kung 'di kayo makarating agad pero sinikap niyong makapag-deliver pa rin"
"Wow, sobrang dedicated ni rider kahit baha go go go pa rin"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Customer, naantig ang puso sa naaksidenteng rider na nag-deliver pa rin sa kanya

Sa panahong ramdam natin ang hirap na dala ng pandemya, nagbibigay inspirasyon sa atin ang mga kwento ng buhay tulad nang ibinahagi ni ng netizen na ito tungkol sa kasipagan ng delivery rider.

Isa sila sa mga maituturing na frontliners sa laban natin sa COVID-19 ngunit sila pa rin ang madalas na maloko ng mga taong tila walang magawa at naiispan pang mamerwisyo ng iba.

Katunayan, ilang mga insidente na ang naitala kung saan maraming mga delivery riders ang nabibiktima ng fake orders ng mga hindi nakikilalang salarin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel