PWD na nakikinood lang sa kaibigan, nagkaroon ng sariling CP dahil sa netizens

PWD na nakikinood lang sa kaibigan, nagkaroon ng sariling CP dahil sa netizens

- Matapos mag-viral ang video ng isang PWD na nakikinood lang sa kanyang kaibigan, nagkaroon na rin siya ng sariling cellphone

- Marami kasi ang naantig ang puso sa video nila ng kanyang kaibigan

- Sinabi kasi ng kanyang kaibigan na sakaling makaipon siya ng pera, bibilhan din niya ito ng cellphone upang hindi na ito nakikinood

- Tinaupad naman ito agad ng mga netizens kaya mabilis silang nakalikom ng pera at nakabili na agad ng cellphone ng kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang TikTok video ni @queenyphen kung saan makikitang nakikinood lamang sa kanya ang kaibigang PWD sa kanyang cellphone.

May caption ang video ng "Balang araw 'pag makaipon ako, bilhan kita phone."

Ayon kay Phen, nais talagang magkaroon ng sariling cellphone ng kanyang kaibigan na matiyagang tumatabi sa kanya para makinood.

PWD na nakikinood lang sa kaibigan, nagkaroon ng sariling CP dahil sa netizens
Photo: Phen (@queenyphen)
Source: UGC

Gusto sana niyang magkaroon ito ng sariling cellphone ngunit wala rin naman siyang sapat na salapi para mabilhan ito.

Read also

Ivana Alawi, binigyan ng Php100K at Php50K ang 2 helper matapos niya itong i-prank

Ngunit dahil marami ang mga naatig sa video ni Phen, nagpadala ang mga netizens ng kanilang tulong para sa cellphone ng kanyang kaibigan.

Mabilis siyang nakalikom ng pambili kaya naman agad silang pumunta sa mall para maipili ng maayos na smartphone ang kanyang kaibigang matagal nang nagnanais nito.

Makikita sa update ni Phen na walang pagsidlan ng kasiyahan ang kaibigan niyang hindi na makikinood sa kanya dahil may sarili na itong cellphone.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Yan ang example ng mga true friend, 'yung iaangat ka hindi yung pababayaan ka lang"
"Nakakatuwa po ang friendship ninyo, dahil sa'yo napasaya mo ang iyong kaibigan"
"Sana lahat ng friends ganyan, tulungan at walang iwanan"
"Gumawa talga siya ng paraan para mapasaya ang kaibigan niya, nakaktuwa po kayo"
"Kudos din sa mga netizens na nagpadala ng tulong, may magkaibigan kayong pinasaya"

Read also

Mister na may stage 4 cancer, hands-on pa sa kanilang 'dream house' bago pumanaw

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, isang inang PWD ang natulungan ni Raffy Tulfo. Sa kabila kasi ng kalagayan nito ay pilit pa rin niyang itinataguyod ang dalawa niyang anak upang mairaos ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Gayundin ang kambal na bulag na iniwan na ng kanilang ina. Nabigyan sila ni Tulfo ng maraming surpresa na labis na nakapagpasaya sa dalawang bata.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel