Ivana Alawi, binigyan ng Php100K at Php50K ang 2 helper matapos niya itong i-prank

Ivana Alawi, binigyan ng Php100K at Php50K ang 2 helper matapos niya itong i-prank

- Naisipan ni Ivana Alawi na i-prank ang kanyang dalawang helper na tumatagal na rin sa kanila

- Bumili pa talaga si Ivana ng camera na kunwaring masisira ng kanyang assistant

- Kinasabwat niya ang lahat ng tao sa bahay nila gayundin ang kanyang video editor

- Matapos ang prank, binigyan niya ng Php100,000 at Php50,000 ang kanilang mga assistant bilang pasasalamat na rin sa maayos nilang serbisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Na-prank ni Ivana Alawi ang dalawa niyang assistant na sina KC at Mae sa kanyang pinakabagong vlog ngayong Mayo 23.

Nalaman ng KAMI na matagal na raw pinaghandaan ni Ivana ang prank sa mga assistant niyang magkapatid gayung sila na lamang ang hindi pa niya "nabibiktima."

Kwento ni Ivana, limang taon na sa kanila si KC na tubong Cagayan. Sa tagal, gamay na raw talaga nito ang mga gawain maging sa bahay man o sa trabaho.

Read also

Gloc-9 sa kurso niyang Nursing: "Hindi ako habang buhay mag ra-rap"

Ivana Alawi, binigyan ng Php100K at Php50K ang 2 helper matapos niya itong i-prank
Photo: Ivana alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Katunayan, pinagkakatiwalaan na raw niya ito pagdating sa mga gamit niya lalo na sa mga vlogging equipments.

Hanggang sa lumuwas na rin ng Maynila ang kapatid nitong si Mae na naging kasama na rin nina Ivana sa loob ng dalawang taon.

Kasabwat ni Ivana ang lahat ng tao sa kanilang tahanan gayundin ang kanyang video editors.

Bumili pa talaga siya ng sirang camera bilang "props" sa kanyang prank.

Nagkunwari silang gumagawa ng vlog nang biglang nahulog ni Hashim ang isang camera na hindi umano nasalo ni KC.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Si KC at si Hashim ang idinidiin ni Ivana at giniit pa nitong bayaran ng dalawa ang nasirang camera na "bagong bili" pa naman.

Kitang-kita ang kaba at takot ni KC gayundin ng kapatid nito na sinusubukan pang idamay ni Ivana bilang bahagi rin ito ng prank.

Read also

Rabiya Mateo, kinaaliwan sa kanyang caption na "Lotlot and friends"

Nang sabihin na ni Ivana na isa lamang itong prank, naiyak talaga ang magkapatid.

Ngunit ang hindi nila inaasahan ay ang biyaya na ibinigay sa kanila ni Ivana.

Php100,000 ang iniabot nito para kay KC habang Pho50,000 naman para kay Mae.

Pasasalamat na rin niya ito sa dalawa sa maayos na serbisyo ng mga ito kaya naman sila ay tumatagal na sa Alawi family.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13 million ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Likas na matulungin si Ivana na karamihan sa kanyang vlog ay patungkol sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

Ilan sa mga natulungan niya ay ang mga masuswerteng delivery riders na nabigyan niya ng tulong pinansyal at magandang klase ng helmet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel