Delivery riders, naluha sa helmet at P10,000 na bigay ni Ivana Alawi

Delivery riders, naluha sa helmet at P10,000 na bigay ni Ivana Alawi

- Samu't sari ang naging reaksyon ng mga delivery riders na nabigyan ni Ivana Alawi ng helmet at P10,000

- Ang iba sa kanila ay natuwa sa mga biyayang natanggap mula sa aktres at YouTuber

- Ang ilan naman tila hindi makapaniwala na di lamang helmet ang kanilang natanggap pati na rin ang pera

- At naluha rin ang ilan dahil kailangan talaga nila ng helmet lalong lalo na ang pera na kanilang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hinangaan muli ang kabutihan ng aktres at YouTuber na si Ivana Alawi dahil sa pagmamalasakit niya sa mga delivery riders.

Nalaman ng KAMI na ang bagong vlog niya na 'Prank on delivery riders +surprise' ay ang paraan ni Ivana bilang pasasalamat sa mga riders na maituturing din na mga frontliners ngayong panahon ng pandemya.

Ang masaklap pa raw kasi, karamihan sa kanila ay nabibiktima ng fake booking o di kaya ay canceled order na malaki ang kawalan sa kanilang kita sa araw-araw.

Lovely Abella, umalma sa bashers ukol sa gown na bigay ni Kathryn
Delivery riders, naluha sa helmet at P10,000 na bigay ni Ivana Alawi

Photo from Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Kaya naman naisipan ni Ivana handugan ng biyaya ang mga riders na kahanga-hanga ang kasipagan at katapatan sa kanilang hanapbuhay.

Ang ilan sa mga riders, halos di makapaniwala sa regalo sa kanila ni Ivana na mamahalin at magandang klase ng helmet.

Lalo na nang malaman pa nilang mayroon din silang P10,000 na bonus pa mula sa aktres bukod sa helmet.

Tila naka-jackpot naman daw ang ilan dahil sa matagal na nilang nais na makita sa personal si Ivana.

Doon din daw nila na hindi lamang maganda ang panlabas niyang kaanyuan kundi maging ang kanyang kalooban.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang isa namang rider na 10 taon na sa serbisyo ay naging emosyonal sa mga bigay ni Ivana.

Nang ihatid kasi ito ng staff ni Ivana palabas, nakita siya nitong naiyak sa sobrang kaligayahan.

Nakita rin ng staff na sira na talaga ang helmet ng rider na kailangan na talaga ng kapalit at malaking tulong din umano ang pera na bigay ng sikat na YouTuber.

Kampo ni Christine Dacera, sinagot ang alegasyong P2M insurance claim ang habol nila

Samantala, naantig naman si Ivana at sobrang saya na nakakatulong siya sa mga kababayan nating may kanya-kanyang pinagdaraanan sa buhay.

“I will always keep giving back to you because kayo ang nagbigay kung ano man ang meron ako ngayon dito sa YouTube," pahayag ni Ivana.

"And this is my small way of saying thank you. And grabe my heart is so full talaga kapag nakakapagpasaya ako ng tao. And this is what makes me happy,” paliwanag ng internet star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ivana Alawi ay isang actress, model at singer ng Pilipinas. Isa rin siya sa mga popular na YouTuber sa bansa na may 10.9 million subscribers.

Noong nakaraang taon, isa si Ivana sa tahimik na nagsagawa ng relief operations sa mga nasalanta ng sunod-sunod na bagyo sa bansa.

OFW, ipinagsa-shopping ng amo sa bawat bansang pinupuntahan nila

Likas na mapagbigay si Ivana hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa mga kababayan nating naghihikahos.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel