Jay Costura, isinama ng RTIA team sa lugar kung saan nawala ang seaman

Jay Costura, isinama ng RTIA team sa lugar kung saan nawala ang seaman

- Isinama na ng staff ng Raffy Tulfo in Action ang psychic na si Jay Costura sa lugar kung saan sinasabing nawala ang seaman na si Marnel Bulahan

- Umaasa silang malaki ang maitutulong ni Jay upang malutas na ang misteryosong pagkamatay ng seaman

- Ang kapatid nitong si Nelmar ang masigasig na naglalakad ng kaso kaya naman hinihinala nilang may kinalaman umano ang misis ng seaman sa kanyang pagpanaw

- Hanggang ngayon ay hindi pa rin matiyak ang kinalalagyan ng bangkay ng seaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mismong ang staff at team ng Raffy Tulfo in Action (RTIA) na ang gumawa ng paraan upang mas malalim na maimbestigahan ang kaso ng pagkawala at pagkamatay ng seaman na si Marnel Bulahan.

Nalaman ng KAMI na halos kalahating taon na ang itinatagal ng misteryosong pagkamatay nito at hindi pa rin matukoy ang kinaroroonan ng bangkay ng seaman.

Read also

Basel Manadil, sinorpresa ang isang mag-anak sa make over ng bahay nila

Kasama ng team ng RTIA ang kilalang psychic sa bansa na si Jay Costura gayundin ang kapatid ni Marnel na si Nelmar Bulahan na siyang masigasig sa paghahanap sa kapatid.

Jay Costura, isinama na ng RTIA sa lugar kung saan nawala ang seaman
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nagtungo sila sa Dumalag, Capiz upang sadyain mismo ang lugar kung saan huling nakita si Marnel.

Mula sa mga tinuluyan nitong bahay at pahingahan gayundin sa lugar kung saan sinabing naanod ito ay pinuntahan din ng RTIA team, pulisya, DRRMO, kapatid ng seaman at si Jay.

Sa kubo kung saan sinasabing tumutulog si Marnel noon, sinubukang makipag-ugnayan ni Jay sa seaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Halos pare-pareho ang mensahe na ipinaaabot sa kanya sa pamamagitan ng baraha na pinipili naman ng kapatid nitong si Nelmar.

Sinabi ni Jay na dalawa umanong lalaki ang kanyang nakita na nagdala kay Marnel malayo sa kanilang kinaroroonan. Sumunod niyang nakita na tila planado raw ang pagkawala nito at humihingi raw ito ng hustisya.

Read also

Frontliner, hands-on pa rin sa kanilang online food business

Gumamit na rin sila ng mga trained dogs upang makatulong na matukoy ang kinaroroonan ng bangkay. Sa kasamang palad, dala na rin ng matagal na panahon mula nang mawala ang seaman, hindi na rin ito nahanap ng aso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Noong nakaraang taon, naimbitahan ni Tulfo ang dalawang kilalang paranormal experts sa bansa na sina Ed Caluag at Ana Dela Cruz dahil sa mga kababalaghan umanong nagaganap sa kanilang opisina.

Read also

Guro, piniling bumili ng bahay at sasakyan sa kabila ng pandemya

Maaalalang halos nagkatugma ang mga nakita nina Dela Cruz at Caluag kaya naman nasolusyunan na nilang hindi na sila muling gambalain ng nanggulo noon sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel