Jelai Andres, pinagtanggol ang sarili matapos maglabas ng video si Jon Gutierrez

Jelai Andres, pinagtanggol ang sarili matapos maglabas ng video si Jon Gutierrez

- Matapos mabanggit ng ilang netizens ang kanyang pangalan sa comment section ng panibagong video na binahagi ni Jon Gutierrez, minabuti ni Jelai Andres na magbigay ng pahayag

- Nilinaw niyang matagal na umano niyang gustong magsama sila ni Jon sa iisang bubong simula nang nagkaayos sila

- Gayunpaman, dahil ayaw daw ni Jon, hindi na niya pinilit ang kagustuhan niyang magsama na sila uli

- Dagdag pa ni Jelai, kailangan niyang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil parang siya pa ang nasisisi na hindi sila magkasama ni Jon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasunod ng binahaging mensahe ni Jon Gutierrez para sa kanya, minabuti ni Jelai Andres na sagutin na rin ang ilang isyu sa pamamagitan din ng pagbahagi ng mensahe sa comment section ng video ni Jon sa YouTube.

Jelai Andres, pinagtanggol ang sarili kaugnay sa nilabas na video ni Jon Gutierrez
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Inalmahan ni Jelai ang anggulong parang siya pa ang nasisisi kung bakit hindi sila magkasama sa iisang bahay.

Read also

Jon Gutierrez, muling nakiusap kay Jelai Andres kung pwede sila mag-usap ng personal

Nilinaw ni Jelay na noong nakaraang taon pa niya umano gustong magsama na sila ngunit ayaw daw ni Jon dahil hindi pa umano ito humihingi ng dispensa sa kanyang ama.

Hindi niya na lang umano pinilit na masunod ang kanyang gusto. Gayunpaman, sinubukan niya raw na muling mabuo ang tiwala niya sa kanyang asawa.

Pinipilit ko mabuo trust kasi asawa ko siya and pano daw ba yun edi kasama nako sa lahat ng lakad niya? Babantayan ko dw siya lagi etc. Sabi ko "oo naman support kita sa lahat sa business etc bestfrnd mko and asawa and tropa like dati".

Ayon pa kay Jelai, sinusumbong daw niya lahat ng nangyari sa ina ni Jon at nanghingi umano siya ng tulong sa nanay ng kanyang asawa.

Pati pag may sakit sya alam din ni mama niya na dali dali ako nagkukumahog na alagaan siya privately na halos iwish ko pa na sana ako nalang yung nagkakasakit at nakakafeel ng karamdaman nia.

Read also

Jon Gutierrez, pinagtanggol ang asawang si Jelai Andres sa ina niya

Sa kabila ng kanyang sakripisyo ay pakiramdam umano ni Jelai, wala itong pakialam noong nagka COVID siya.

Pamilya din daw ni Jelai ang naghanap ng paraan para sa marriage counseling sana nilang dalawa pagkalabas nila ng lock-in taping.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinagtanggol daw ni Jelai si Jon sa kanyang pamilya at humantong pa ito sa hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang ama hanggang sa natanggap na lang din nila kinalaunan dahil iyon ang kaligayahan ni Jelai.

Pero paglabas lock in taping pinabayaan nako at nag enjoy na sila po. Kinalimutan na counselling at lahat lahat. Miss na miss nila isat isa.

Saka na lamang umano nakipag-usap sa kanya si Jon nang lumabas na ang isyu.

Napaasa kami lahat. Nauto ako. Trauma paulit ulit. Ano naman po kaya nrramdamn ng parents ko at family sa nangyre sakin? Clear ko lng po name ko po para lang po alam niyo. Salamat po. Hindi to pwede privately kasi nababasa ko dito public eh d ko maeexplain side ko kasi naka public to. Salamat po

Read also

Anak, nanlumo nang malimas ang kanyang GCASH ng nagkunwaring tutulong sa amang may sakit

Jelai Andres, pinagtanggol ang sarili matapos maglabas ng video si Jon Gutierrez
Mensahe ni Jelai Andres (screenshot from King B YouTube Channel)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob sa asawa ng aktres na si Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel