Vice Ganda, naglabas ng bagong kanta kasunod ng makahulugang tweet tungkol sa "ahas"

Vice Ganda, naglabas ng bagong kanta kasunod ng makahulugang tweet tungkol sa "ahas"

- Naglabas ng kanyang panibagong awitin si Vice Ganda na pinamagatang "Higad Girl"

- Nabigyan ito ng ibang kulay ng ilan dahil sa kanyang naunang tweet noong nakaraang buwan lamang

- Matatandaang naging usap-usapan ang tweet ni Vice tungkol sa mga ahas na umano'y nagkukumahog para umabot sa Valentines day

- Ang kanyang bagong awitin ay inilarawan niya bilang parody ng awiting "My Chinita Girl"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May ilang mga napataas ang kilay sa panibagong awiting inilabas ni Vice Ganda sa kanyang YouTube channel na pinamagatang "Higad Girl."

Ito ay tungkol sa babaeng nagpapapansin sa isang lalaking mayroon nang karelasyon. Nabigyang kahulugan ito matapos magbahagi si Vice ng makahulugang tweet bago ang Valentine's Day ngayong taon.

Vice Ganda, naglabas ng bagong kanta kasunod ng makahulugang tweet tungkol sa "ahas"
Vice Ganda (Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang tweet tungkol sa umano'y mga ahas na nagkukumahog na makapandaot bago dumating ang Valentine's Day.

Malapit na mag Feb14. Madami ng nagkukumahog sa pag awra para umabot. Pati mga ahas porshur double time sa pandadaot.

Ang awiting "Higad Girl" ay inawit ni Vice at maging ang lyrics ay siya ang sumulat. Ang tugtog naman ay kagaya sa awiting "My Chinita Girl: na inawit ni Lil Vinceyy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concerts.

Read also

Isang abogado, siniyasat ang nalabag na batas ni Ivana Alawi sa viral video nito

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pakikipag-usap ni Vice Ganda sa isang Tawag ng Tanghalan contestant na aminadong sumang-ayon noon sa pag-shutdown ng Kapamilya Network.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel