Sheree Bautista, may makahulugang pahayag: “Sometimes, life has a way of removing people”

Sheree Bautista, may makahulugang pahayag: “Sometimes, life has a way of removing people”

  • Nagbahagi si Sheree Bautista ng isang makahulugang mensahe para sa kanyang mga kapwa Viva Hot Babes, kung saan binigyang-diin niya ang kanilang pinagdaanan, mga alaala, at samahang nabuo sa loob ng maraming taon
  • Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sheree na may mga pagkakataong inaalis ng buhay ang ilang tao sa ating paglalakbay, bagay na inilarawan niyang masakit at nakakadismaya ngunit maaari ring maging daan para sa isang bagong simula
  • Hindi tinukoy ni Sheree kung sino o anong partikular na pangyayari ang tinutukoy niya, ngunit sinabi niyang sa gitna ng mga kontrobersiya at ingay ay mas naging malapit at mas matatag ang mga taong nanatili sa kanilang samahan
  • Hinikayat din niya ang kanyang mga kapatid sa Viva Hot Babes na ituon ang kanilang enerhiya sa mga bagay na makatutulong sa kanilang paghilom at patuloy na pagbuo ng mga bagong alaala bilang isang grupo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Nagbahagi si Sheree Bautista ng isang makahulugang mensahe para sa kanyang mga kapwa miyembro ng Viva Hot Babes, kasunod ng mga pinagdaanan ng grupo nitong mga nakaraang panahon.

Read also

Sheree Bautista, nagsalita na sa gitna ng kontrobersiya ng Viva Hot Babes

Sheree Bautista, may makahulugang pahayag: “Sometimes, life has a way of removing people”
Sheree Bautista, may makahulugang pahayag: “Sometimes, life has a way of removing people” (📷Sheree Vidal Bautista II/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang mahabang post, tinawag ni Sheree na “MY DEAREST VIVA HOTBABES, MY SISTERS, MY FAMILY” ang kanyang mga kapwa miyembro habang ipinapaalala niya ang halaga ng kanilang samahan sa kabila ng mga pagsubok.

Binigyang-diin niya na hindi dapat manaig ang mga batikos, negatibong komento at ingay sa mga bagay na matagal na nilang pinagsamahan.

Ayon kay Sheree, marami na silang pinagdaanang laban at magagandang alaala bilang magkakasama kaya mas mahalaga para sa kanila na alalahanin ang kanilang kasaysayan at ang mga bagay na kanilang nakamit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga bahagi ng kanyang mensahe ang kapansin-pansin dahil binanggit niya ang tungkol sa mga taong maaaring mawala sa buhay ng isang tao.

“Sometimes, life has a way of removing people who are no longer meant to walk with us.”

Sinundan niya ito ng pagtingin na maaaring may dahilan ang mga pagkawala at pagbabago sa buhay.

“As painful and disappointing as certain situations may be, perhaps they are blessings in disguise. Sometimes, what feels like a loss is actually God making room for something better.”

Read also

Zara Lopez, sinagot ang mga nagsasabing nagbago siya dahil sa tagumpay

Hindi naman tinukoy ni Sheree kung sino ang partikular na tinutukoy niya sa bahaging ito ng kanyang post. Sa halip, mas nakatuon ang kabuuang mensahe niya sa kanilang samahan at sa mga taong patuloy na nananatili sa kanilang tabi.

Ibinahagi rin ng aktres na sa gitna ng mga nangyari, nakita niyang muli ang pagkakaisa ng kanilang grupo.

“And look at us now. Through all the chaos, we found our way back to each other. We became closer, stronger, and more aware of the bond that truly matters.”

Para kay Sheree, hindi dapat tukuyin ng isang mahirap na kabanata ang buong kuwento ng isang samahan. Sa kanyang mensahe, ipinakita niyang mas mahalaga ang mga taong nananatili, nagbibigay ng suporta at patuloy na naniniwala sa isa't isa.

Nagpasalamat din siya sa mga taong nanindigan at patuloy na nagbigay ng pagmamahal sa kanila kahit naging mahirap ang sitwasyon.

“To everyone who stayed, defended us, believed in us, supported us, and continued to love us even when things became difficult — from the bottom of our hearts, THANK YOU.”

Kasabay nito, sinabi niyang bukas pa rin ang kanilang puso para sa pagpapatawad, paghilom at mga bagong simula.

Read also

Zara Lopez, nagsalita na tungkol sa hindi pagsama sa Viva Hot Babes reunion concert

“Our doors and hearts remain open to genuine love, healing, and new beginnings.”

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, hinikayat ni Sheree ang kanyang mga kapwa Hot Babes na huwag nang ibuhos ang kanilang enerhiya sa mga bagay na nakakasira sa kanila.

“Let the noise fade. Let the negativity pass. Let time reveal the truth.”

Idiniin din niya na hindi kailangang sagutin ang bawat paratang o pakikipagtalo, dahil maaari ring magsalita ang kanilang mga ginagawa.

“We don’t need to fight every battle or answer every accusation. Sometimes, the most powerful response is to stand tall, continue doing what we love, and let our actions speak louder than words.”

Sa kabila ng mga pagbabago at pagsubok, malinaw sa mensahe ni Sheree ang hangarin niyang mapanatili ang samahan ng Viva Hot Babes.

“This is not the end of our story. This is the beginning of a stronger, wiser, and more united VIVA HOTBABES.”

Bago ang kanyang makahulugang mensahe, naging usap-usapan din si Sheree matapos niyang ikuwento ang isang hindi magandang karanasan kasama ang isang lasing na fan habang nasa entablado. Sa kanyang paglabas sa Your Honor, sinabi niyang pinainom muna niya ng tubig ang lalaki bago niya ito kantahan, ngunit sa halip ay isinaboy nito ang tubig sa kanyang mukha. Sa kabila ng kanyang galit, nagpatuloy pa rin siya sa kanyang performance.

Read also

Brenda Mage, inamin ang pagkakamali sa paggamit ng bleach sa kaniyang mga aso

Sa isa pang ulat, ibinahagi rin ni Sheree ang naging reaksiyon niya sa naturang insidente sa entablado. Ayon sa ulat, naging matindi ang kanyang galit matapos ang ginawa ng fan ngunit napigilan siya ng mga taong nasa paligid niya at kalaunan ay natapos niya ang kanyang nakatakdang pagtatanghal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate