Mag-amang sabay na nagtapos ng Senior High School, inspirasyon ang hatid sa marami

Mag-amang sabay na nagtapos ng Senior High School, inspirasyon ang hatid sa marami

- Inspirasyon ang hatid ng mag-amang sabay na nakapagtapos sa senior high school

- Nagtapos ng Accountancy, Business, and Management ang anak habang ang ama naman ay nagtapos sa strand na Humanities and Social Sciences

- Nakadagdag pa umano sa saya ng kanilang tagumpay ang pagkakaroon ng honors ng anak

- Inaasahang sabay na papasok sa kolehiyo ang mag-ama na talagang umani ng positibong mga komento

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ngayon ang mga larawan ng mag-amang sina Jenalyn Begornia at Eleazar Begornia na sabay na nakapagtapos sa senior high school.

Mag-amang sabay na nagtapos ng Senior High School, inspirasyon ang hatid sa marami
Sina Jenalyn Begornia at Eleazar Begornia (Farralyn Begornia)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mula nang maibahagi sa social media ang kanilang graduation pictures, nagsilbing inspirasyon ito sa netizens.

Si Jenalyn ay nakatapos sa strand na accountancy, business and management habang ang kanyang ama na si Eleazar naman ay nakatapos ng isang strand sa humanities and social sciences.

Read also

Mayor Abby Binay, balak umanong bigyan ng scholarship ang nagtanong kung may pasok

Nakadagdag pa sa kasiyahang kanilang nadarama ang pagiging 'with honors' ni Jenalyn.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang hiwalay na Facebook post, nagbahagi si Jenalyn ng kanyang graduation picture na may caption na 'on to my next adventure.'

Dahil dito, inaasasahang sabay ding papasok sa kolehiyo ang mag-ama na nagbigay inspirasyon sa marami.

Narito ang ilan sa kanilang mga larawan na ibinahagi ni Farralyn Begornia:

Matatandaang minsan ding nag-viral at umantig sa puso ng marami ang post ng isang senior high school graduate na proud sa kanyang ama.

isa umanong backhoe operator ang ama ng estudyanteng si Guillerma Idias na sinikap na makadalo pa rin sa kanyang Pagtatapos.

Umantig sa puso ng marami ang larawan ni Guillerma at amang si Florentino na hindi na umano nakapagpalit pa ng damit mula sa trabaho.

Read also

Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer

Labis-labis ang pasasalamat ni Guillerma sa ama na kahit mababakas ang pagod sa trabaho ay nakangiti pa rin ito sa espesyal na araw niya na sinikap talaga nitong daluhan.

Isa rin sa pumukaw sa damdamin ng mga netizens kamakailan ay ang nagtapos ng kolehiyo na si Juvelyn Dela Torre Eugenio. Bitbit kasi ni Juvelyn ang larawan ng kanyang mga magulang na yumao na.

Hindi na inabot ng mga magulang ni Juvelyn ang kanyang graduation gayung magkasunod na taon halos ito nawala. Subalit siniguro ni Juvelyn na makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang mga magulang kahit larawan manlang ng mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel