Mayor Abby Binay, balak umanong bigyan ng scholarship ang nagtanong kung may pasok

Mayor Abby Binay, balak umanong bigyan ng scholarship ang nagtanong kung may pasok

- May makulit na sagot ang alkalde ng Makati sa nagtanong sa kanya kung may pasok

- Matatandaang kamakailan ay dumanas ng bahagyang malakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat ang lungsod

- Dahil dito, marami ang agad na nagtanong kung magdedeklara ba ng walang pasok si Mayor Abby

- Ayon sa alkalde, dinaig pa ng nagtanong ang PAGASA sa weather forecasting nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang makulit na sagot ni Mayor Abigail "Abby" Binay Campos sa nagtanong kung may pasok.

Mayo Abby Binay, balak umanong bigyan ng scholarship ang nagtanong kung may pasok
Mayo Abby Binay (Abby Binay)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ito ay dahil sa dinanas na bahagyang malakas na ulan kamakailan sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila kabilang na ang Makati.

Dahil dito, marami umano ang nakaabang kung may pasok ba ang mga paaralan dahil sa weather condition sa kanilang lugar.

Read also

Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"

Makikita sa convo na naibahagi ng alakalde, tinanong ng isang netizen kung suspended na ba ang klase dahil sa malakas na ulan. Na ang naging reply ay "Talo mo pa ang PAGASA sa weather forecasting."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May caption ang post na "Pwede ko ito bigyan ng scholarship para maging meteorologist,"

Maging ang mga netizens ay naaliw sa reaksyon ng alkalde. Ilang minuto pa lang ang lumipas, umabot na sa mahigit 6,000 na laugh react ang post.

Si Mayor Mar-len Abigail "Abby" Sombillo Binay-Campos ay isang abogado at ang kasalukuyang alkalde ng Lungsod ng Makati mula noong 2016. Dati na siyang naglingkod sa kongreso bilang kinatawan ng 2nd district ng Makati. Si Mayor Abby ay anak ng dating alkalde rin ng lungsod at naging Bise Presidente ng Pilipinas na si Jejomar Binay.

Read also

Joshua Garcia, nagpakilig sa Eat Bulaga Dabarkads; ginawa muli ang kanyang viral TikTok steps

Sa kasagsagan ng pandemya, isa si Mayora Abby sa mga agarang nagbigay ng cash aid sa bawat Makatizen sa kanilang lugar gayundin ang mga pagkain na malaki ang naitulong sa mga residente ng lungsod.

Kamakailan, matatandaang nag-viral din ang reply ni Mayor Abby sa isang netizen na tinawag siyang 'Babe' nang nagtanong kung suspendido ba ang coding sa lugar. Ayon sa mayora, tanging ang mister lang niyang si Congressman Lius Campos ang pwedeng tumawag sa kanya ng 'babe.' Umabot sa halos 10,000 laugh react ang kanyang naturang post na naibahagi ngayon lamang Abril ng kasalukuyang taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel