Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"

Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"

- Nabigyang komento ni Ogie Diaz ang tungkol sa post kung saan nakadalo si Carlo Aquino ng Moving Up day ng kanyang anak na si Mithi

- Aniya, iba raw talagang makapagpa-bond ang anak kahit hindi na magkasama pa ang kanyang mga magulang

- Mayroon din naman umanong nagsasabi na kaya lang nagawa ito ni Carlo ay upang hindi ma-bash

- Matatandaang minsan na niyang naibahagi ang mga larawan nila ng aktres na si Charlie Dizon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ay ang tungkol sa pagdating ni Carlo Aquino upang masaksihan ang Moving Up day ng kanyang anak na si Mithi.

Ogie D sa pagiging present ni Carlo sa Moving Up ng anak: "Ibang klaseng magpa-bond ang anak"
Carlo Aquino, Mithi and Trina Candaza (@enola mithi)
Source: Instagram

Sa mga larawang ibinahagi sa Instagram page ni Mithi, makikita kung gaano pa rin ito ka-close kay Carlo.

Read also

Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka mag-level up sila"

"'Ibang klaseng magpa-bond ang anak. 'Pag may anak ka talaga, hindi lang pangsarili ang iniisip mo para sa anak. Tingnan mo nagkita sila sa graduation o sa moving-up 'nung bata," ani ogie Diaz.

Sa kabila nang magandang pangyayaring ito para na rin kay Mithi, may ilan umanong iba ang nakikitang dahilan bakit pumunta sa mahalagang araw para sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Syempre 'pag hindi uma-attend si Carlo, ang dami na namang masasabi ng mga tao. Tingnan mo 'yan 'pag nagdi-date kayo ni Charlie Dizon, andun ka. 'Eto pinakamahalagang okasyon ng anak mo wala ka. 'Di siyempre si Carlo e, tatay ako e. Excited ako to see my kid. 'di ba gano'n," paliwanag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino na kamakailan lamang ay umamin na ng estado umano ng relasyon nila ng kapwa artista na si Charlie Dizon.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit nito ang pagkakataong sinubukan pa umano niyang ayusin ang pagsasama nila ni Carlo nang magpadala pa rin umano ito ng bulaklak sa kanya kahit sila ay hiwalay na.

Nilinaw din niya ang tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel