Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

- Natanong ni Boy Abunda si Joshua Garcia kung anong pakiramdam nito kapag natatawag na 'next John Lloyd Cruz'

- Aminado si Joshua na flattered siya at malaki rin umano ang naitulong nito sa kanyang career

- Gayunpaman, nais niyang patunayan na mayroon siyang sariling personalidad bilang artista na maaring mahalin at hangaan ng tao

- Si Joshua ang isa sa mga aktor sa kauna-unang serye na produkto ng pagsasanib pwersa ng GMA at ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Flattered at honored daw umano si Joshua Garcia tuwing masasabihan siyang 'next John Lloyd Cruz.'

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"
Joshua Garcia (Fast Talk with Boy Abunda)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami ang nakakapansin na malaki ang pagkakahawig nila, maging ang pagsasalita gayundin ang husay nila bilang mga aktor.

Isa ito sa mga naitanong ni Boy Abunda nang maging panauhin niya si Joshua sa Fast Talk kamakailan.

Read also

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"

Inalam ni Boy kung ano nga ba ang reaksyon ni Joshua sa paghahambing na ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Before, palagi. Pero after pandemic, nag-viral scandal na ako, nag-darna na ako... 'Di ko na siya masyado nakukuha. And mabuti siya para sa'kin kasi... I'm honored na matawag na John Lloyd Cruz. Nakatulong din siya sa'kin sa karera ko. Pero siyempre tito Boy, gusto ko rin i-prove na may sarili ako," pahayag ni Joshua.

Ayon pa kay Joshua, nakaka-bonding naman niya si John Lloyd subalit hindi napag-uusapan ang bagay na iyon.

Gayunpaman, malaki umano ang naitulong ng paghahambing sa kanya ng publiko kay John Lloyd Cruz.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA Network:

Si Joshua Garcia ay isang aktor at modelo sa bansa na produkto ng Pinoy Big Brother ng ABS-CBN noong 2015. Naging karelasyon niya si Julia Barretto at labis na naging usap-usapan ang muli nilang pagsasama sa music video ng kanta ni Moira na 'Paubaya.' Naging bahagi rin siya ng ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Read also

Joshua Garcia, idinetalye ang tungkol sa sensuality workshop nila nina Jodi at Gabbi

Sa ngayon, bahagi siya ng pinakaaabangang teleserye na Unbreak my Heart. Ito ang kauna-unahang proyekto kung saan nagsanib pwersa ang GMA at ABS-CBN.

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Maricel Soriano, isa si Joshua sa mga napuri ng nag-iisang Diamond Star. Ayon kay Maricel, nababaitan umano siya sa aktor na nais niyang maimbitahan at ma-interview sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel