Cristy sa dating EB host: "Totoo naman po, hindi nagsalita si Ruby Rodriguez"

Cristy sa dating EB host: "Totoo naman po, hindi nagsalita si Ruby Rodriguez"

- Ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y nasabi ni Ruby Rodriguez sa pagkawala niya noong sa Eat Bulaga

- Aniya, palaisipan pa rin kung bakit sa gitna ng pandemya ay hindi na muling napanood si Ruby sa nasabing programa

- Dahil sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng Eat Bulaga, marami umano ang nagsasabing maaring pareho lamang ang dahilan nito sa iba

- Matatandaang gumawa ng ingay ang umano'y hindi pagpapasweldo ng tama sa mga host ng programa kabilang na sina Tito, Vic and Joey

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika ang tungkol sa pagkawala ni Ruby Rodriguez sa Eat Bulaga.

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"
Ruby Rodriguez (@rodriguezruby)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hanggang ngayon, marami umano ang naghahanap sa komedyante na isa sa maituturing na matagal anng host ng programa.

Read also

Joshua sa komentong 'next John Lloyd Cruz': "Gusto ko rin i-prove na may sarili ako"

Ngayong nahaharap sa kontrobersiya ang Eat Bulaga, mas lalong umigting ang espekulasyon ng publiko tungkol sa dahilan ng pagkawala ni Ruby sa programang kinabilangan niya, ilang dekada na ang nakalipas.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time, pero this is it, ito na 'yun. So, mag-iisip ka kapag sinabi mong ito na 'yun kasi 'yung kay Jose at kay Wally nga nalaman lang natin kailan lang na hindi pala sila pinapasweldo ng matagal na panahon at iba pang mga co-host," ani Cristy.

"Pero sa pinakamahabang panahon, totoo naman po, hindi nagsalita si Ruby, pero 'eto nga nagsisimula na 'yung haka-haka na 'eto na nga 'yun kaya siya umalis," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Ruby Rodriguez ay isang aktres at TV host sa Pilipinas. Maituturing siya na isa sa mga nauna at tumagal na host ng Eat Bulaga sa pagpasok ng dekada nobenta.

Read also

Cristy, ipinagtanggol si Sylvia Sanchez: "'di niya kailangang gamitin ang mamanugangin"

Samantala, ang Eat Bulaga ang longest-running noontime show sa Pilipinas at maging sa buong mundo na unang napanood noong 1979.

Kamakailan, inulan ng intriga ang naturang programa kabilang na rito ang pagkawala umano ng ibang mga host ng noontime show maging ang Tito, Vic and Joey o TVJ na siyang maituturing na haligi ng Eat Bulaga.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy ang posibilidad na mauwi umano sa demendahan ang nangyayari ngayon sa pagitan ng Tito, Vic and Joey ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

Gayunpaman, inaaasahang hindi magiging madali para sa lahat kapag nangyari ito lalo na at mahaba-habang panahon na nagsama ang TAPE at ang Eat Bulaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel