Cristy, ipinagtanggol si Sylvia Sanchez: "Hindi niya kailangang gamitin ang kanyang mamanugangin"

Cristy, ipinagtanggol si Sylvia Sanchez: "Hindi niya kailangang gamitin ang kanyang mamanugangin"

- Ipinagtanggol ni Cristy Fermin ang aktres na si Sylvia Sanchez sa mga bashers nito

- Ito ay matapos na akusahan itong ginagamit umano ang pera ni maine Mendoza sa pag-produce ng ilan nilang proyekto

- Payo ni Cristy na magsaliksik muna ang publiko kung anong klaseng pamilya ang mga Atayde

- Hindi na rin umano raw kailangan ni Sylvia na gamitin ang pangalan ng kanyang mamanuganing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Sylvia Sanchez sa matitinding pamba-bash na natatamo 'di umano nito kamakailan.

Cristy, ipinagtanggol si Sylvia Sanchez: "Hindi niya kailangang gamitin ang kanyang mamanugangin"
Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan ito sa kanyang future daughter-in-law na si Maine Mendoza na isa sa mga kilalang showbiz personality ng kanyang henerasyon.

Ani Cristy, hindi umanong tama na batuhin ng intriga si Sylvia dahil lang sa ilang tutol sa umano'y relasyon ni Maine sa anak nitong si Congressman Arjo Atayde.

Read also

Cristy sa dating Eat Bulaga host na si Ruby: "Ang sabi niya, I kept quiet for the longest time"

"Itong mga bashers na ito, alam po namin na walang maling opinyon ngayon, na may kalayaan tayong maglabas ng ating saloobin pero pipiliin naman po natin. Tulad ng pangme-menos na ginagawa niyo kay Slyvia Sanchez," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Bakit po siya makiki-angkas kay Maine Mendoza na 2015 lang nang ipanganak sa AlDub, kay Alden Richards na magkasama. Si Sylvia Sanchez po ay napakatagal na panahon na kinikilalang napakagaling na aktres. Hindi niya kailangang gamitin ang kanyang mamanugangin para lang siya ay magkaroon ng publisidad"
"Pinalalabas ng mga bashers na ito na ang ipinampo-produce ni Sylvia at pamilya nito, pera ni Maine Mendoza"

Kaya payo ni Cristy sa mga bashers, "Sana ho, magsaliksik tayo. Mag-research tayo kung anong klaseng pamilya meron ang mga Atayde. Para hindi tayo nagkakasala sa pagbibintang ng ganyan"

Read also

Cristy, naniniwala umanong wala nang LizQuen: "At isang araw, aamin din po ito"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Isa sa mga naiinit at kontrobersyal na isyu na natalakay nina Cristy sa kanilang channel ay ang mga kaganapan ngayon sa Eat Bulaga. Sa nagdaang episode ng kanilang programa, nabanggit ni Cristy na may nagaganap umanong secret meeting sa mga susunod na hakbangin ng longest running noontime show sa buong mundo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel