Cristy, hinamon sina Jason at Moira: "Ipakita niyo ang mukha ng kasama niyo"

Cristy, hinamon sina Jason at Moira: "Ipakita niyo ang mukha ng kasama niyo"

- Natalakay nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa mga misteryosong taong kasama nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez

- Ayon kay Cristy, "bulok" ang ginagawa ng mga ito na pagpapansin sa publiko

- Kaya naman hinamon niya ang dating magkarelasyon na ipakita ang mukha ng kani-kanilang mga kasama

- Matatandaang unang naglabas ng post ni Moira kasama ang kanya umanong handler habang si Jason ay 'di pa rin napangalanan ang babaeng nakasumbrero at nakaakbay sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga maiinit na isyu na tinalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ay ang mga post ng dating magkarelasyong sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.

Cristy, hinamon sina Jason at Moira: "Ipakita niyo ang mukha ng kasama niyo"
Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tahasang nilarawan ni Cristy na bulok ang sinasabi rin niyang pagpapapansin ng dalawa.

Read also

Cristy, 'di masisi ang publiko sa bansag sa ina ni Sarah G: "Wala pa rin 'yung pagtanggap"

"Bakit mo ipo-post? Ano ito? para guluhin mo ang utak ng mga tagahanga mo at mga bashers?"
"Ito namang si Jason, o e ano ngayon, kung meron kang katabing babae na nakasumbrero, nakadukdok... bakit mo kailangang ilabas? Ano 'to naghahanap kayo? Bulok na bulok ang ginagawa niyong pagpapansin"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman hinamon niya ang dalawa na ipakita ang mukha ng kani-kanilang mga kasama.

"Nakakainis lang. Ginagawa niyong tanga ang publiko. Ginagawa niyong tanga ang mga bashers, At lalo niyong ginagawang tanga ang mga sarili niyo"
"Ipakita niyo ang mukha ng kasama niyo... Katabi ni Moira na naka-abresiete siya, ipakita mo ang mukha. Ikaw naman Jason, may katabi ka na nakadukdok at nakasumbrero ka, ipakita mo ang face value"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy nakausap na si Alden Richards ukol sa kontrobersyal na handler nito

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Kamakailan, nabatikos din di umano ni Cristy ang dating love team na LizQuen lalo na ang mga naging kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano sa mga interviews sa kanya matapos ang 'This is Me' vlog sa kanyang YouTube channel.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel