Cristy nakausap na si Alden Richards ukol sa kontrobersyal na handler nito

Cristy nakausap na si Alden Richards ukol sa kontrobersyal na handler nito

- Nakausap na umano ni Cristy Fermin si Alden Richards tungkol sa kontrobersyal na handler nito

- Matatandaang minsan na itong naibahagi ni Cristy at kanya pang ikinabahala na baka ito ang makasira 'di umano ng magandang imahe ni Alden sa showbiz

- Laking pasalamat naman daw sa kanya ni Alden sa paghingi muna ng kanyang panig at upang mabalanse ang bawat isyu

- Ani Cristy, mahalaga ang mga paglilinaw na ito mula smismo sa aktor gayung marami sa mga tagahanga nito ang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap na raw mismo ni Cristy Fermin si Alden Richards kaugnay sa umano'y kontrobersyal na handler nito na tila inirereklamo na ng marami.

Cristy nakausap na si Alden Richards ukol sa kontrobersyal na handler nito
Alden Richards
Source: Facebook

Pinangalanan na rin ni Cristy ang taong malapit na ito kay Alden subalit nakaaapekto na sa imahe ng 'Pambansang Bae.'

Read also

Cristy, sinabing napupuna umano si Jinkee sa mga post nito sa gitna ng kaso kay Manny Pacquiao

"Ang pangalan po niya ay Sam. Marami pong nagtatanong sino ba si Sam sa buhay ng pambansang Bae. Ano ba ang kanyang trabaho at bakit siya pinagbibintangan na parang hawak lamang sa leeg si Alden Richards."
"Eto po ang kanyang paliwanag, si Sam daw po ay kanyang handler, handler niya si Sam at nagmamaneho rin para sa kanya"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero pinagsasabihan ko po si Sam. Dapat din sigurong linawin ni Alden kung saan nagsisimula at nagwawakas ang trabaho ni Sam para sa kanya."

Matatandaang minsan na rin niyang naibahagi ang umano'y ginagawa ng taong ito sa set na labis na nakaaapekto sa buong produksyon ng proyektong ginagawa ni Alden.

"Siguro raw po ay namimisinterpret lang daw po itong si Sam. Ang misinterpretation kasi sa isa, dalawa, ikatlong pagkakataon, pasable pa yan e pero kapag marami na po talagang nagsasabi, at nagrereklamo at ang tinutukoy ay ang pakikialam nitong si Sam, merong mali sa kanila."

Read also

Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"

Nagpapasalamat umano sa kanila si Alden dahil sa pagbabalanse ng ibinabahaging balita kaugnay sa kanya.

"Napakalaking bagay daw na andito tayo para balansehin ang bawat isyu," ani Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matapos ang halos dalawang taon na wala siya sa naturang programa.

Matatandaang makailang beses na umanong nabanggit ni Cristy ang tungkol sa taong ito na malapit kay Alden ngunit hindi niya muna pinangalanan hangga't hindi pa niya umano nakakausap mismo si Alden Richards.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel