Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"

Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"

- Nakiusap si Cristy Fermin na magpaliwanag na umano si Alden Richards ukol sa taong kasa-kasama nito ngayon

- Matatandaang minsan nang naikwento ni Cristy ang tungkol sa taong ito na inirereklamo ng mga naging kasama ni Alden lalo na sa Start-Up

- Hindi pa rin nalalaman nina Cristy kung nasaan na nga ba ang naunang road manager ng aktor na wala na sa eksena ngayon

- Ani Cristy, bago pa man sana tuluyang maapektuhan ang career ni Alden ay magsalita na ito tungkol sa nasabing tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakiusap si Cristy Fermin na sana'y magsalita na sa lalong madaling panahon si Alden Richards tungkol sa umano'y taong laging kasama nito na siyang nagmamando 'di umano ng mga ipagagawa sa aktor.

Cristy sa isyu ng inirereklamong kasa-kasama ni Alden: "Magpaliwanag ka na sana"
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na tila palala umano ng palala ang isyu habang pintatagal pa raw ni Alden ang pagkikibit balikat sa bagay na inirereklamo ng mga nakasama niya sa seryeng Start Up.

Read also

Ogie Diaz, nakuha ang panig ni Teacher Georcelle bakit wala ang G-Force sa concert ni Sarah G

"'Wag nang hintayin pa ni Alden Richards na magsalita ang mga dati niyang kasama sa seryeng Start Up. Kapag nagsalita ang mga taong ito, sarado na itong issue na ito pero wasak ang kanyang imahe,"

"Magpaliwanag ka na sana, Habang busy ka patuloy na kakalat at kakalat 'yung mga ganitong kwento. Hindi kagandahan," ani Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang minsan na rin niyang naibahagi ang umano'y ginagawa ng taong ito sa set na labis na nakaaapekto sa buong produksyon ng proyektong ginagawa ni Alden.

"Nabasa ko ang mga komento at kolums ng mga kasamahan natin sa hanay kung papaanong para silang binugaw."
"Kami po, may hawak na po kaming pangalan, pero sabi nga po naming tatlo, hindi po muna namin ilalabas hangga't hindi namin nakakausap si Alden at binibigyan niya ng paliwanag kung bakit nga ba inirereklamo ang taong ito"

Read also

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

"Ngayon, kapag binggit po niya ang pangalan ng taong ito tatanungin po namin siya, ano ang hawak sa'yo ng taong ito. Anong malaking malaking dahilan para mapalampas mo ang kanyang mga ginagawa."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa kanilang YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Alden Richards ay isang aktor at TV host sa Pilipinas. Kamakailan ay maayos na itong bumalik sa Eat Bulaga matpos ang halos dalawang taon na wala sa sil asa telebisyon.

Samantala, sa ginagawa naman nitong pelikula, agad na napuri siya ng co-star na si Julia Montes.

Kahit dalawang araw pa lamang umano sila nagsu-shooting, nasabi nilang komportable na sila sa isa't isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel