Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka

- Hanga raw umano si Rosanna Roces sa kabutihan ni Sharon Cuneta

- Taliwas sa inaakala ng iba na mayaman at mataas ito, ito pa raw ang nagpapakumbaba sa mga nakakahalubilong tao

- HIndi raw umano inaasahan ni 'Osang' ang closeness nila ni Sharon na kanyang nakasama sa FPJ Ang Probinsyano

- Matatandaang madalas noong mag-viral ang mga videos ni Sharon sa lock-in taping ng natapos na serye ni Coco Martin na patunay kung gaano ito magpahalaga ng mga taon nagiging malapit sa puso niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Rosanna Roces na isa si Sharon Cuneta sa mga taong kanyang hinahangaan.

Rosanna Roces, hanga sa ugali ng Megastar: "Siya ang bababa sa lugar mo para kaibiganin ka
Rosanna Roces at Sharon Cuneta
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod kay Coco Martin na nakita niya kung paano makisama sa napakalaking pamilya ng FPJ Ang Probinsyano, isa si Sharon Cuneta sa may kahanga-hanga umanong pagpapahalaga sa mga taong nagugustuhan at nagiging kaibigan nito.

Read also

Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake

"Kaya nga dun ako nagtataka sa tao na 'yun. Kung inaakala niyo na ganon siya kayaman, ganon siya kataas, hindi. Siya ang bababa sa lugar mo para entertainin ka, para kaibiganin ka. Saka 'yung tao na yun pag ayaw niya sa'yo, ayaw niya sa'yo. Pero 'pag nagustuhan ka niya ay naku, sobra naman talaga."

Matatandaang madalas na maibahagi noon ng Megastar o ng mga nakasama sa nasabing serye kung paano ito maki-bonding sa kanila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Patunay lamang umano ito sa naging komento sa kanya ni Osang na maging ang iba nilang kasama sa FPJ Ang Probinsyano ay nakasaksi sa mabuting kalooban ng Megastar.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Rosanna Roces sa panayam sa kanya ni Morly Alinio:

Si Jennifer Adriano Arias o mas kilala bilang si Rosanna Roces ay isang aktres sa Pilipinas. Minsan na siyang nagwagi bilang best actress sa Cinema One Originals Digital Film Festival para sa pelikulang Wanted: Border noong 2009. Sa Gawad Urian (Manunuri ng Pelikulang Pilipino) nagwagi rin siya ng Best Actress award para sa pelikulang La vida Rosa noong 2001 at Best Supporting actress noong noong 2010 para sa pelikulang Presa.

Read also

Cristy, nagtaka sa naging utang umano ng TAPE kay Vic Sotto: "Saan napupunta ang kinikita nila?"

Isa sa mga huling naging proyekto ni 'Osang' ay ang seryeng FPJ Ang Probinsyano ni Coco Martin kung saan gumanap siya bilang si Lölita Silang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel