Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake

Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake

- Kapansin-pansin ang maiksing pagdaan umano ni Bobby Ray Parks Jr. sa vlog ni Zeinab Harake

- Matatandaang kamakailan ay gumawa ng ingay ay dalawa sa social media matapos na ilabas ni Xian Gaza ang mga larawan nilang magkasama

- Sinundan naman ito ng video ni Bobby na nag-aayos ng buhok ni Zeinab

- Kamakailan, agad ding napansin ng netizens ang komento ni Bobby na sana'y sagutin na siya ni Zeinab sa isang larawan nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang marami ang umano'y nag-abang at nanood ng pinakabagong vlog ni Zeinab Harake tungkol umano sa pagbisita niya sa Japan.

Bobby Ray Parks Jr., napadaan umano sa 'trip to Japan' vlog ni Zeinab Harake
Zeinab Harake
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI ng KAMI na ito ay upang kumpirmahin umano ng netizens kung totoong kasama nga nina Zeinab at kanyang mga kaibigan ang nali-link sa kanya ngayon na si Bobby Ray Parks Jr.

Read also

Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please"

Hindi naman umano sila nabigo dahil sa isang bahagi ng vlog, kapansin-pansing napadaan si Bobby na agad namang pinutol at dumako na sa kasunod na bahagi ng video.

Sinasabing ito umano ang tinutukoy ni Xian Gaza na pagkikita nila ni Zienab sa Japan noong Aprl at doon nga nila nakasama si Bobby.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang si Xian ang nagbahagi ng mga larawan nina Zeinab at Bobby na magkasama at hiniling pa nito na irespeto na lamang ang pribadong buhay ng dalawa lalo na ng lalake na hindi umano sanay sa malawak na mundo ng social media.

Si Zeinab Harake ay isa sa mga popular YouTubers sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel at may 12 million followers sa Facebook at 5 million followers naman sa Instagram.

Read also

Cristy, pinayuhan si Enrique Gil na magsalita na: "hindi sapat na tahimik lang"

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs na nagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Kamakailan lamang, agaw eksena si Zeinab dahil sa umano'y nali-link sa kanyang Filipino-American professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Katunayan, ipinagtanggol pa siya ng kaibigang si Xian Gaza sa mga bashers na may iba't ibang akusasyon at hindi magandang nasasabi kay Zeinab dahil sa bago nitong 'manliligaw.'

Samantala, ilang araw matapos na ialabs ni Xian ang naturang mga larawan, mismong si Bobby Ray Jr. na rin ang naglabas ng video nila ni Zeinab na magkasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel