Cristy, pinayuhan si Enrique Gil na magsalita na: "hindi sapat na tahimik lang"

Cristy, pinayuhan si Enrique Gil na magsalita na: "hindi sapat na tahimik lang"

- Pinayuhan ni Cristy Fermin si Enrique Gil na magsalita na umano kaugnay sa mga isyu ng girlfriend na si Liza Soberano

- Sa nangyayaring pananahimik lang ni Enrique, sinasabing parang wala umano itong paninindigan

- Tila sunud-sunuran na lamang umano si 'Quen' kay Liza lalo na at sila pa rin umano kahit na nasa Amerika na ang aktres

- Isang halimbawa na ibinigay nina Cristy ay ang hindi pakikiramay ni Liza sa pagpanaw ng ina ni Ogie Diaz na hindi rin daw umano nagawa ni Enrique

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay pahayag si Cristy Fermin sa umano'y pananahimik lang ni Enrique Gil sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap ng girlfrieng nitong si Liza Soberano.

Cristy, pinayuhan si Enrique Gil na magsalita na: "hindi sapat na tahimik lang"
Liza Soberano and Enrique Gil (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na buhat nang ilabas ang vlog ni Liza na 'This is Me' na umano'y simula ng kabi-kabilang isyu sa kanya, walang naging pahayag si Enrique tungkol dito.

Read also

Cristy Fermin, wala na umanong sama ng loob kay Willie Revillame

"Hindi sapat na tahimik lang. Hindi sapat 'yung hindi nakikihalo. kailangan, meron din siyang sabihin para sabihin naman ng publiko na mayroon siyang paninindigan."

Isang halimbawa na naihayag nila ay ang hindi umano pakikiramay ni Liza sa pagpanaw ng ina ng dati niyang manager na si Ogie Diaz.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Enrique rin umano ay hindi nagpaabot ng mensahe ng pakikiramay kay Ogie D.

"E bakit si Quen? Ganon lang, hindi rin nakidalamhati? Ganon na lang ba yun? hindi maganda, bakit ganun?" ayon pa kay Cristy.
"Kaya itong si Quen dapat magkaroon ng paninindigan. Kesa yung ganyan na sinasabihan kang sunud-sunuran... ang pangit!" ani Cristy

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!

Si Enrique Mari Bacay Gil ay isang Filipino actor, dancer, entrepreneur, at commercial model. Siya ang naging ka-love team at real life partner ni Liza Soberano. Sa ngayon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Ranvel Rufino at nananatili pa ring Kapamilya si Enrique.

Read also

Cristy, nag-aalala kay Alden na apektado ng umano'y taong malapit sa kanya ngayon

Kamakailan, nabanggit ni Ogie Diaz na hindi pa umano siya nakatatanggap ng kahit mensahe ng pakikiramay mula sa dating alaga na si Liza Soberano.

Matatandaang sumakabilang buhay na ang ina ni Ogie Diaz na si Nanay Carmen at naihatid na sa huling hantungan noong Abril 28. Subalit sa huling sandali, hindi pa rin umano nagpadala ng anumang mensahe si Liza gayundin si Quen.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel