Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake na sumabak na siya umano sa acting workshop

- Ito ay sa ilalim ni Ana Feleo, anak ng batikang aktres at direktor na si Laurice Guillen

- Ayon kay Zeinab, excited na siya sa susunod nilang session lalo na at marami umano siyang natutunan sa unang araw pa lang

- Kamakailan ay naging maingay ang pangalan ni Zeinab dahil sa bagong nali-link sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang nai-share ni Zeinab Harake na sumasailalim na siya ngayon sa acting workshop sa pangangalaga ni Ana Feleo.

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"
Zeinab Harake and Ana Feleo (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na tila papasukin na umano ni Zeinab ang mundo ng pag-arte gayung pinili nitong dumalo sa naturang workshop.

Unang araw pa lamang umano niya ay marami na siyang natutunan kaya naman excited na muli siya sa susunod nilang session.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang daddy ni Ryan Bang na pinagmaneho sila sa South Korea

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"First acting workshop done. Thank you so much Ms Ana Feleo. Excited po sa next session natin. Ang dami ko pong natutunan today"

Natuwa lalo ang kanyang mga Zebbies na excited sa kung anuman ang pinaghahandaan ng kanilang idolo.

Maging ang aktres na si Jennylyn Mercado ay napakomento ng "Nakakaproud. Excited for u!"

Narito ang kabuuan ng post:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga popular YouTubers sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel at may 12 million followers sa Facebook at 5 million followers naman sa Instagram.

Inspirasyon ang hatid ng karamihan sa kanyang vlogs na nagpapakita ng pagmamahal at pag-aaruga niya sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang mga anak na sina Bia at Lucas.

Kamakailan lamang, muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Zeinab dahil sa umano'y nali-link sa kanyang Filipino-American professional basketball player na si Bobby Ray Parks Jr.

Read also

Kim Chiu, kinilig nang todo sa 'pamana' sa kanya ni Maricel Soriano

Katunayan, ipinagtanggol pa siya ng kaibigang si Xian Gaza sa mga bashers na may iba't ibang akusasyon at hindi magandang nasasabi kay Zeinab dahil sa bago nitong 'manliligaw.'

Nakiusap pa si Xian na irespeto na lamang ang private life ng dalawa lalo na at hindi umano sanay sa intriga ang naturang basketball player na namataang kasama ni Zeinab nang magpunta ito sa Japan nito lamang buwan ng Abril.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel