Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please"

Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please"

- Nagbahagi si Zeinab Harake ng isang Instagram post kung saan makikita ang kanyang mga pictures

- Dito ay hayagang nagkomento si Bobby Ray Parks Jr. para sabihin kay Zeinab na sagutin na sana siya nito

- Sumagot naman si Zeinab sa komentong ito ngunit tawa lamang ang naging tugon niya kalakip ang isang heart emoji

- Matatandaang naging usap-usapan ang dalawa matapos kumalat ang pictures nilang magkasama at nilinaw ni Xian Gaza na nanliligaw si Bobby Ray sa kaibigan niyang si Zeinab

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Zeinab Harake ay hayagang sinabi ni Bobby Ray Parks Jr. ang kanyang kagustuhang sagutin na siya ni Zeinab. Sinagot naman ni Zeinab ang kanyang komento kalakip ang isang heart emoji.

Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please"
Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Matatandaang naging usap-usapan ang lumabas ng picture nina Zeinab at Bobby Ray matapos silang mamataang magkasama. Nauna na ring nilinaw ni Xian Gaza, isa sa malapit na kaibigan ni Zeinab na nanliligaw ito sa kanyang kaibigan.

Read also

Brenda Mage, binahaging hiwalay na sila ni Gio Sta. Ana

Nilinaw niya rin na single silang parehas kaya walang masama na manligaw ang basketbolista kay Zeinab.

Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please"
Bobby Ray Parks Jr. kay Zeinab Harake: "Sagutin mo na po ako soon please" (@zeinab_harake)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Matatandaang matapos lumabas ang video ni Wilbert Tolentino ay dumipensa si Zeinab sa mga nilabas na screenshot ni Wilbert laban sa kanya. Ani Zeinab, cropped ang mga nilabas na conversation ni Wilbert kaya hindi umano nailabas ang kabuuan ng kanyang sinabi. Inisa-isa niyang nilinaw ang mga nilabas na screenshot ni Wilbert na umano ay mga nasabi niya laban sa mga sikat na vloggers. Hiling naman ni Zeinab na tigilan na lang ang gulo at huwag na siyang ididikit sa grupo nina Wilbert para matapos na ang gulo.

Read also

Zeinab Harake, sumabak na sa acting workshop: "Excited po sa next session"

Nilinaw naman ni Zeinab na bago siya nag-live sa Facebook ay tinawagan niya ang mga taong nadawit sa video na nilabas ni Wilbert. Kinausap at nilinaw niya umano sa mga taong nasangkot ang tungkol sa mga lumabas na screenshot na ayon sa kanya ay kulang na dahil cropped umano ang mga ito. Kabilang sina Ivana Alawi at Alex Gonzaga sa kanyang mga tinawagan kaugnay dito at nagkaintindihan umano sila. Maging sa kanyang video ay humingi si Zeinab ng dispensa sa mga taong nadamay pa umano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel