Cristy, naniniwala umanong wala nang LizQuen: "At isang araw, aamin din po ito"

Cristy, naniniwala umanong wala nang LizQuen: "At isang araw, aamin din po ito"

- Naniniwala si Cristy Fermin na tapos na 'di umano ang relasyon nina Liza Soberano at Enrique Gil

- Ito rin ang napapansin ng maraming netizen lalo na at sa pinakahuling interview kay Liza kung saan pinag-usapan ang love team, hindi niya nabanggit si Enrique

- Ayon kay Cristy, maaring aminin na rin ng dalawa ang tungkol dito lalo na at hindi na rin sila nakikitang madalas na magkasama

- Isa umanong halimbawa ay ang pagbalik sa Pilipinas ni Liza na hindi raw alam ni Enrique na siyang nasa Amerika naman umano nang mga panahong iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang tungkol kina Enrique Gil at Liza Soberano.

Read also

Cristy kay Matteo: "Hindi siya ang klase ng asawa na paiikutin ang ulo ng kanyang misis"

Cristy, naniniwala umanong wala nang LizQuen: "At isang araw, aamin din po ito"
Liza Soberano and Enrique Gil (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maging sina Cristy ay naniniwala umano na tapos na ang relasyon ng dalawa.

"Mas marami pong naniniwala na tapos na ang relasyon na LizQuen... wala na 'to. At isang araw, aamin din po ito... Hindi ito pwedeng itago nang panghabang panahon."

Kapansin-pansin umano sa huling interview ng isang Korean show kay Liza ang hindi nito pagbanggit sa pangalan ni Enrique gayung love team ang pinag-uusapan. Sa naturang interview, marami ang umalma na tila piangsisisihan daw umano ni Liza na ganoon ang kalakaran ng pagsikat sa showbiz sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Huli na, e ba't noon hindi ka nagsalita. Ni ha ni ho wala kang sinasabi. Hindi ka na nga pinapansin., hindi ka na binigyan ng importansya bilang ka-love team. At 'yung relasyon niyo, never niyang nabanggit"

Read also

Joshua Garcia, emosyonal sa premiere ng Unbreak my Heart: "Finally ito na, pinalabas na"

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika sa Pilipinas.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 320,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! nasabi ni Cristy Fermin na talgaang malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel