Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin

- Nakausap umano ni Cristy Fermin si Ogie Diaz patungkol sa dati nitong alagang si Liza Soberano

- Nabanggit ni Ogie ang hindi umano pagpaparamdam ni Liza ng pakikiramay gayung namayapa na ang ina niyang si Nanay Carmen

- Sa kabila nito, hindi pa rin daw magawa ni Ogie na magalit sa dating naging alaga

- Gusto na lamang daw nitong isipin ang magagandang alaala ng pinagsamahan nila ng dati niyang talent

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang umano'y napag-usapan nila ni Ogie Diaz patungkol sa dati nitong alaga na si Liza Soberano.

Ogie Diaz, 'di raw magawang magalit kay Liza Soberano ayon kay Cristy Fermin
Liza Soberano (@enriquegil17)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa umano'y hindi pakikiramay ni Liza kay Ogie nang mamatayan ito ng ina kamakailan.

Sa kabila nito, hindi raw magawang magalit ni Ogie sa kanyang dating talent na itinuring na ring anak.

Read also

Cristy sa umano'y 'di pakikiramay ni Liza kay Ogie: "Hindi ko matatanggap talaga"

"Kausap ko si Ogie, sabi ko anak gaano kasakit na hindi ka manlang naalalang i-text o padalhan ng mensahe ni Liza Soberano? Sabi niya, 'Att Cris, hindi ko nga alam e kung bakit hindi ko makuhang magalit sa batang ito. siguro gusto ko nalang ding alalahanin 'yung magagandang memories na pinagsaluhan namin," pagbabahgi ni Cristy ng kanila umanong napag-usapan ni Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero sa kabila ng pagsasalita ni Ogie, ramdam ko. tumatawid sa kin 'yung sakit. tumatawid sakin yung tanong na bakit nga ba?"

"Si Liza pa, si Liza Soberano pa na inaasahan ng marami na magtitext o magpapadala ng mensahe ng pakikisimpatya kay Ogie Diaz dahil napakaganda ng kanilang pinagsamahan," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika sa Pilipinas.

Read also

Cristy sa posibleng demandahan sa Eat Bulaga: "Mas gusto nilang ito ang kauwian ng lahat"

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 320,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! nasabi ni Cristy Fermin na talgaang malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel