Liza Soberano, naninirahan umano sa isang room for rent ayon sa source ni Cristy Fermin

Liza Soberano, naninirahan umano sa isang room for rent ayon sa source ni Cristy Fermin

- Nangungpahan umano si Liza Soberano sa isang kwarto sa Los Angeles ayon sa source ni Cristy Fermin

- Bagama't wala namang masama sa napiling tirahan ni Liza subalit hindi ito maiwasang makumpara sa buhay na iniwan sa Pilipinas

- Subalit kahit kwarto lamang ito, may kamahalan pa rin daw talaga ang halaga

- Matatandaang si Liza ay nasa pangangalaga na ngayon ng Careless management kung saan si James Reid ang isa sa kanyang manager

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa Showbiz Now Na! ay ang pangungupahan 'di umano ni Liza Soberano sa isang kwarto sa Amerika.

Liza Soberano, naninirahan sa isang room for rent sa USA ayon sa source ni Cristy Fermin
Liza Soberano (@lizasoberano
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mula umano ito sa source ni Cristy sa Los Angeles. Ito ay dahil sa nagka-pangalan naman talaga sa Pilipinas ang aktres kaya't tila marami ang nakakakilala sa kanya.

Read also

Cristy sa umano'y 'di pakikiramay ni Liza kay Ogie: "Hindi ko matatanggap talaga"

"Ito po ay nanggaling sa mga kababayan natin sa Amerika lalo na sa LA. Kasi po kilala po ng mga Pilipino si Liza Soberano dahil sumikat naman talaga siya sa pangangalaga ng ABS-CBN at ni Ogie Diaz"
"Ipinarating po sa amin na naninirahan po sa isang room for rent si Liza Soberano sa Korea town. May China town po sa Amerika at mayroong Korea town."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gayunpaman, nilinaw ni Cristy na wala umanong masama sa desisyon ni Liza na tumira sa isang kwarto na maaring may kamahalan pa rin ang halaga sa nasabing lugar. Subalit hindi rin umano maiwasang maikumpara ng publiko ang buhay niyang iyon sa buhay na iniwan niya sa Pilipinas.

"Hindi naman po krimen kung tayo man po ay umupa ng isang room para sa ating pananatili sa ibang bansa. Kaya lamang po, tulad ng sinabi natin noong una sa pamamagitan ng blind item, 'yung pagkukumpara, nakapanghihinayang talaga."

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

"Wala pong masama kung nasa room for rent o nasa mansion si Liza Soberano ngayon. Nagkakaroon lamang po ng isyu mga ka-SNNers dahil pinagkukumparang pilit 'yung buhay na maalwan ni Liza dito sa Pilipinas, kumpara sa buhay niya sa kasalukuyan, sa Amerika"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz reporter at writer sa bansa. Hanggang ngayon, patuloy siyang namamayagpag sa paghahatid ng maiinit na showbiz chika.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez. Mayroon na itong mahigit na 300,000 subscribers.

Sa naunang episode ng Showbiz Now na! Nasabi ni Cristy Fermin na malaki umano ang hindi magandang epekto ng 'This is Me' vlog ni Liza Soberano sa bago nitong tinatahak na karera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel